‘Lupang Hinirang’, inawit habang tuloy ang putukan sa Marawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Lupang Hinirang’, inawit habang tuloy ang putukan sa Marawi

ABS-CBN News
Published Jun 12, 2017 06:57 PM PHT
|
Updated Jun 13, 2017 12:58 AM PHT

Nagtipon sa bantay-saradong city hall ng Marawi ang mga lokal na opisyal, kawani ng gobyerno, pulis, sundalo, at mga miyembro ng media para saksihan ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas.

Inawit ang ‘Lupang Hinirang’ na halos hindi maulinigan dahil nangingibabaw ang mga pagsabog at tunog ng air strike sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga teroristang Maute.

Mainit at pursigido ang tono ng alkalde ng Marawi, si Majul Usman Gandamra, na halos maluha habang nagtatalumpati sa mga kababayan. Hinimok niya ang lahat na magkaisa para tuluyang magapi ang mga terorista at muling maibangon ang kanilang lungsod.

Sa gitna ng seremonya, may isang bumberong tumalikod, at lumuha. Siya si SFO4 Gary Mueco, ang hepe ng mga bumbero ng siyudad. Laking pasalamat niya sa militar na kung di dahil sa kanilang pagsaklolo, marahil marami sa kanilang mga bumbero ang patuloy na naiipit at posibleng hindi nakaligtas sa bakbakan.

Nitong hapon lang, lumabas sa lugar kung saan mainit ang bakbakan ang apat na lalaking puno ng sugat ang katawan. Sila pala ang grupong nakakausap sa telepono ng ABS-CBN News halos isang linggo na ang nakalilipas.

Nagtago sila ng 18 sibilyan sa isang gusali. Hindi sila makalabas dahil sa pangambang kunin ng Maute ang mga kasama nilang Kristiyano. Ang pinuno nilang si alyas ‘Mario’ ang nananawagan ng tulong para sa kanila.

Hanggang kahapon, bago mag-alas-8 ng gabi, nagpapadala pa ng text si ‘Mario’ na nagmamakaawa para masagip. Pero hindi sila makuha ng rescuers dahil napapalibutan ng Maute ang kanilang pinagtataguan.

Sa kasamaang palad, dalawang oras matapos ang huli niyang text, pinasok na ng mga terorista ang lugar na pinagtataguan nina ‘Mario’. Ayon sa isa sa mga nakaligtas, nagtakbuhan sila mula sa bahay pero pinagbabaril ang iba nilang kasama. Kinuha raw bihag si ‘Mario.’ Apat na lang silang nakaligtas mula sa barilan.

Pagpupugay sa mga nag-alay ng buhay
Alas-12 impunto, sinaluduhan ang mga sundalo at pulis na nagbuwis ng buhay para manatiling malaya ang bayan.
Alas-12 impunto, sinaluduhan ang mga sundalo at pulis na nagbuwis ng buhay para manatiling malaya ang bayan.
ADVERTISEMENT
Ipinalabas sa telebisyon ang mga mukha at pangalan ng 58 pulis at sundalong nasawi sa gitna ng pakikipagsagupa sa mga terorista sa Marawi.

Kasabay nito, inalala rin ang mga inosenteng buhay na tinubos ng bakbakan.

Hiniling ng Malacañang sa publiko na bigyang pugay ang mga bagong bayani ng bansa. Nanawagan din ng panalangin para sa mga naulila nilang mahal sa buhay.

Sa Camp Aguinaldo, naka-half-mast o itinaas lang hanggang sa kalahati ng flagpole ang bandila. Hudyat ito ng pagluluksa sa kanilang mga kasama. Tiniyak din ng Armed Forces of the Philippines na bibigyang katuturan ang ibinuwis na buhay ng mga sundalo dahil ipagpapatuloy nila ang misyong wakasan ang terorismo.

Binigyang parangal din ng Philippine Marines ang kanilang mga kasamahang namatay sa bakbakan. Kahapon dinala sa Villamor airbase ang walong kabaong ng Marines na napatay sa bakbakan noong Biyernes. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa pagtanggap ng labi ng mga sundalo Linggo ng gabi. Personal din siyang nakiramay sa mga naulila.

Isinabay ngayong ‘Araw ng Kalayaan’ ang paggawad ng posthumous military merit medal sa bawat isang nasawing Marines. Binigyan din sila ng full military honors sa loob ng kampo ng Philippine Marines sa Taguig. Isang misa ang inialay para sa mga nasawing sundalo. Nakiramay rin sa mga naulila si Bise Presidente Leni Robredo.

Duterte, hindi dumalo sa pagtitipon sa Rizal Park
Hindi dumalo si Pangulong Duterte sa kauna-unahan niya sanang pagdiriwang, bilang presidente, sa Araw ng Kalayaan sa Rizal Park.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernie Abella, mayroong kailangang harapin ang Pangulo na may kinalaman sa sitwasyon sa Marawi. Ayon naman kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na kumatawan kay Duterte sa okasyon, hindi maganda ang pakiramdam ng Pangulo na napuyat sa pakikiramay sa mga naulila ng mga nasawing sundalo.

Pinangunahan ni Bise Presidente Robredo ang pagtitipon. Matapos ang pagtataas ng bandila, nag-alay ng ‘moment of silence’ para sa lahat ng apektado ng bakbakan. Naglagak din ng mga bulaklak sa bantayog ng pambansang bayaning Jose Rizal.

Bandila ng Pilipinas, itinindig sa ‘Philippine Rise’
Nagsama-sama naman ang AFP at ang iba’t ibang organisasyon para magtanim ng Bandila ng Pilipinas sa Philippine Rise, na dating tinatawag na Benham Rise.

Sinisid ng mga batikang technical divers ng Philippine Navy, Coast Guard at iba pang grupo ang Philippine Rise. Maingat nilang ibinaba ang watawat na gawa sa fiber glass, at target ikabit ito sa flagpole na nasa mahigit 60 metro sa ilalim ng dagat. Pero dahil sa napakalakas na agos, ikinabit na lang ito sa paanan ng flagpole.

Kasama rin sa pagsisid ang civilian diving instructor na si Gordon Cancio. Naglatag siya ng tarpaulin para bigyang parangal ang mga estudyante niyang sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi.

-- Ulat nina Chiara Zambrano, Jeff Canoy, Jorge Cariño, Pia Gutierrez, Doris Bigornia, at Niko Baua, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Chiara Zambrano
Jeff Canoy
Jorge Cariño
Pia Gutierrez
Doris Bigornia
Niko Baua
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT