#WorldEnvironmentDay: Pilipinas kabilang sa mga pinakanagkakalat ng plastik | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#WorldEnvironmentDay: Pilipinas kabilang sa mga pinakanagkakalat ng plastik

ABS-CBN News
Published Jun 05, 2018 11:17 PM PHT

Napapabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinakanagkakalat ng plastic sa karagatan, batay sa isang ulat pangkalikasan.

Ayon sa 2015 report ng environmental campaigner na Ocean Conservancy at ng McKinsey Center for Business and Environment, aabot sa 60 porsiyento ng plastic waste na napupunta sa anyong-tubig ang nanggagaling sa limang bansa sa Asya--Tsina, Indonesia, Pilipinas, Vietnam, at Thailand.

Dagdag pa ng ulat, tumaas ang pangangailangan para sa mga produktong ginagamit ang plastik pero hindi nakaagapay ang imprastruktura para sa wastong pagdespatsa ng basurang plastik na hindi agad nabubulok.

Noon lamang nakaraang linggo, isang balyenang napadpad sa Thailand ang namatay.
Noon lamang nakaraang linggo, isang balyenang napadpad sa Thailand ang namatay.
ADVERTISEMENT
Bago nasawi, nagsuka pa raw ng limang plastic bag ang balyena.

Nang ma-awtopsiya, lumalabas na mayroong 80 plastic bag sa tiyan ang balyena at iba pang plastik na gamit na may kabuuang timbang na walong kilo.

WORLD ENVIRONMENT DAY
Nitong Martes, kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day, inilunsad ng iba't ibang ahensiya ang kampanyang "Clean Seas Pilipinas."

Sa ilalim nitong kampanya, makikipagtulungan ang mga eskuwelahan sa mga junk shop.

Mag-iipon ang mga estudyante ng plastic bottles at iba pang recyclable materials para ibigay sa mga junk shop.
Mag-iipon ang mga estudyante ng plastic bottles at iba pang recyclable materials para ibigay sa mga junk shop.
ADVERTISEMENT
"Ang gusto naming ipakita, may pera talaga sa basura," ani Antoinette Taus, founder ng Communities Organized for Resource Allocation na isa sa mga grupong nasa likod ng kampanya.

Mayroong isang gurong ginawa itong challenge sa kaniyang mga estudyante.

"Inisip ko lang na i-ban lahat ng single-use plastic sa school... mga students na-pressure, pag-uwi nila kinuha nila 'yong mga basura sa kapitbahay," ani gurong si Potxee de Castro.

Naniniwala ang mga ahensiyang nasa likod ng kampanya na mainam na simulan sa kabataan ang wastong plastic waste management para na rin sa kalikasan.

-- Ulat ni Gretchen Ho, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
balita
World Environment Day
WorldEnvironmentDay
WorldEnvironmentDay
kalikasan
nature
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT