Mahigit 3,000 pamilya, apektado ng baha sa Maguindanao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit 3,000 pamilya, apektado ng baha sa Maguindanao

Mahigit 3,000 pamilya, apektado ng baha sa Maguindanao

Arianne Apatan at Noel Elvena,

ABS-CBN News

Clipboard

ARMM-Humanitarian Emergency Action and Response Team

Mahigit 3,000 pamilya mula sa iba't ibang bayan ng Maguindanao ang apektado ng baha sa lalawigan.

Nagsagawa ng rescue operation ang Humanitarian Emergency Action and Response Team ng Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Sabado.

Isa-isa nilang inilikas ang nasa anim na pamilyang na-trap sa kani-kanilang mga bahay sa bayan ng Sultan Mastura.

Kabilang sa mga nasagip ay mga bata at matatanda.

ADVERTISEMENT

Gumamit ng mga rubber boats at lubid ang mga rescuer para makatawid sa rumaragasang tubig.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) office, limang barangay sa bayan ng Sultan Mastura ang apektado ng baha. Ito ang mga barangay ng Solon, Tariken, Kirkir, Namuken at Simuay Seashore.

Labing-isang barangay naman ang binaha sa bayan ng Sultan Kudarat, kabilang ang mga sumusunod:

  • Mulaog
  • Senditan
  • Makaguiling
  • Bulalo
  • Banubo
  • Calsada
  • Limbo
  • Gang
  • Katuli
  • Katidtuan
  • Salimbao

Sa kabuuan, mahigit sa 3,000 pamilya ang apektado ng pagbaha, ayon sa tala ng DSWD.

Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga pamilyang apektado sa bayan ng Datu Salibo.

Sampung barangay sa Datu Salibo ang apektado ng baha, kabilang ang mga barangay ng Sambulawan, Andavit, Tee, Pagatin, Penditen, Butilen, Lower Buayan, Lower Alungan, Lower Masigay at Lower Balanaken.

Ayon sa residenteng si Sauda Haron, mahigit isang taon nang lubog sa tubig ang kanilang bahay.

Apektado rin ng baha ang kanilang kabuhayan kaya hiling nila ay matulungan ng pamahalaan.

"Mahirap talaga, dati gumagawa kami ng banig. Pero ngayon wala na. Sana mabigyan kami ng tulong kasi sobrang hirap namin dito," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.