Dalagitang may pekeng dokumento papuntang Saudi, naharang sa NAIA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dalagitang may pekeng dokumento papuntang Saudi, naharang sa NAIA

Dalagitang may pekeng dokumento papuntang Saudi, naharang sa NAIA

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nahuli ang isang 17-anyos na dalagita na nagpapanggap bilang overseas Filipino worker na patungo sa Saudi Arabia matapos nitong magpakita ng mga pekeng dokumento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Huwebes.

Ang menor de edad ay nagpakita ng pekeng passport at mga dokumento na nagsasabing legal itong magtatrabaho sa Riyadh, ani Immigration Commissioner Jaime Morente.

Naaresto ang dalagita matapos makahalata ang isang immigration officer na mukha siyang bata, sabi ni Marc Red Mariñas, Associate Commissioner ng Bureau of Immigration.

Kinalaunan ay umamin din ang dalagita na wala pa siya sa wastong gulang upang magtrabaho sa ibang bansa, dagdag ni Mariñas.

ADVERTISEMENT

Inilipat na ang dalagita sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development kung saan siya hihikayatin na ituro ang mga nasa likod ng pamemeke ng kaniyang mga dokumento, sabi ni Morente.

Hinala ng mga opisyal, may sindikato na nasa likod ng sunod-sunod na kaso ng pamemeke ng mga dokumento ng ilang Pilipino na nais magtrabaho sa ibang bansa.

Noong nakaraang linggo ay pinigilan din ng Bureau of Immigration ang isang 20-anyos na Pilipina na patungo sana sa Dubai matapos madiskubre na peke ang mga dokumentong hawak nito.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang grupong nasa likod ng panloloko.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.