Trillanes, kinompronta ang opisyal na kinasuhan ng pagnanakaw ng cellphone | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Trillanes, kinompronta ang opisyal na kinasuhan ng pagnanakaw ng cellphone

Trillanes, kinompronta ang opisyal na kinasuhan ng pagnanakaw ng cellphone

ABS-CBN News

Clipboard

Kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes IV na kinompronta niya si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto "Jing" Paras sa session hall ng Senado nitong Martes.

Ayon kay Trillanes, kinakausap niya si Health Secretary Francisco Duque nang lapitan siya ni Paras para makipagkamay pero sinalag siya ng senador.

"So sinabi ko sa kaniya 'ang lakas naman ng loob mo, kinasu-kasuhan mo ako tapos makikipag-kamay ka sa akin?' So yun ang puno’t dulo niyan," ani Trillanes.

Sa isa pang pagkakataon, sinabi ni Trillanes na nakita naman niyang kasama ni Paras si Senate Majority Leader Migz Zubiri at muling kinompronta ni Trillanes si Paras na nagsampa ng kasong sedition laban kay Trillanes.

ADVERTISEMENT

"Later on nandito naman si Senator Zubiri eh sinabi ko sa kaniya na 'kung ganiyan kayo siguraduhin niyo lang na panghabangbuhay na nasa poder ng kapangyarihan si Duterte,' so 'yon ang sinabi ko.'"

Pinabulaanan naman ni Trillanes na dinuro at minura niya si Paras dahil hindi daw niya ito gawain kundi ang amo nito.

Sinabi din ni Trillanes na ang isinampang reklamo ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin dahil sa umano’y pagnanakaw ng kaniyang cellphone ni Paras ay nagsasabi kung ano'ng klase pagkatao mayroon aniya si Paras.

Nito rin lang Martes, ibinunyag ni Villarin na naghain siya ng reklamong theft sa piskal sa Quezon City laban kay Paras dahil sa pagkuha umano ng opisyal sa Apple iPhone X ni Villarin noong Marso.

Tingin naman ni Paras, malisyoso ang pagsampa ni Villarin ng kaso lalo't noong Marso pa ito nangyari ang pagkawala ng phone ng kongresista.

Ani Paras, posibleng aksidente niyang nadala ang cellphone pero wala siyang intensiyong kuhanin ito.

Wala pang pahayag si Paras sa mga sinabi ni Trillanes. -- Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.