Recount hinihiling sa isang bayan sa Surigao del Norte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Recount hinihiling sa isang bayan sa Surigao del Norte

Recount hinihiling sa isang bayan sa Surigao del Norte

Lorilly Awitan,

ABS-CBN News

Clipboard

Hiling ng mga residente sa Dapa, Surigao del Norte na magsagawa ng recount matapos umanong magkaroon ng mga iregularidad sa nagdaang eleksyon. Lorilly Awitan, ABS-CBN News

DAPA, Surigao del Norte - Bitbit ang kanilang placards nilibot ng mga residente at supporters ni Dapa incumbent Mayor Peter Boy Ruaya ang mga pangunahing daan sa bayan at inihayag ang kanilang pagkadismaya sa nagdaang eleksyon noong Mayo 13.

Nanalo sa pagka-alkalde sa bayang ito si Abeth Matugas ng PDP-Laban kontra kay Ruaya.

Nakasulat sa placards ang paghingi ng hustisya para sa mga taga Dapa. Hiling nila na irespeto ang kanilang mga boto dahil iilan sa kanila ay biktima umano ng mga iregularidad sa eleksyon gaya ng kulang ang mga pangalan na nasa resibo kahit bumoto sila sa napiling kandidato.

Sigaw din ng mga residente na magsagawa ng recount dahil ito umano ang paraan upang maikumpara nila ang mano-manong pagbilang ng boto at ang na transmit na resulta ng mga boto.

ADVERTISEMENT

Malaki ang kanilang paniniwala na may dayaang nangyayari sa nakaraang eleksyon.

"May mga pandaraya kasi sa aming presinto mismo kanilang binuhat buhat ang VCM, may van din na naghihintay sa labas ng classroom, inilabas ang machine sa rason na walang signal hindi makapag transmit," ani Florende Monter, isang residente.

Ayon sa abogado ni Ruaya na si Miguel Zulieta, magsasampa sila ng electoral protest sa Biyernes sa Regional Trial Court Branch 31 sa bayang ito.

Inihayag din ni Ruaya na luluhod siya sa kaniyang katunggali kung mapapatunayan na sila ang nanalo.

"Walang ibang makapagbigay ng tama na tinatanaw na tamang hustisya kundi buksan ang balota, magmano-mano sa pagbilang," aniya.

Wala pang inilabas na pahayag ang kampo ni Matugas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.