Isyu ng umano’y katiwalian laban sa DPWH Asec, iniulat ng DPWH Region 10 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isyu ng umano’y katiwalian laban sa DPWH Asec, iniulat ng DPWH Region 10

Isyu ng umano’y katiwalian laban sa DPWH Asec, iniulat ng DPWH Region 10

Fred Cipres,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 19, 2018 11:50 PM PHT

Clipboard

Inilahad sa isang confidential report na nakuha ng ABS-CBN News ang nangyaring paghihingi umano ng "1 to 2 percent project share" ni DPWH assistant secretary Tingagun Umpa sa mga proyekto sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pagbisita nito noong Mayo 2 hanggang Mayo 4.

Base sa report na pirmado ni DPWH Region-10 director Zenaida Tan, nag-request umano si Umpa na sagutin ni Tan ang plane ticket at hotel accommodation niya at 3 pang kasamahan na halos umabot sa P120,000 sa pagbisita niya sa Cagayan de Oro.

Noong Mayo 2, nagpatawag umano ng "emergency meeting" si Umpa na dinaluhan ng mga division head at ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) at binigyang-diin niya na pinadala umano siya ng Malacañang upang itigil ang korupsiyon sa DPWH.

Noong Mayo 4 naman, nakipagkita si Umpa kay Tan upang pag-usapan umano ang proyekto ng isang project engineer na nagngangalang Mikunug Makabantog. Gusto nitong tanggalin si Makabantog sa TFBM dahil umano sa hindi pagsunod sa kaniyang mga gusto.

ADVERTISEMENT

Inutusan din umano ni Umpa si Tan na sabihin sa lahat ng mga contractor ng mga proyekto sa ARMM na bigyan siya ng "1 to 2 percent project share" ngunit hindi umano pumayag si Tan.

Dalawang oras matapos umano umalis sa opisina ni Tan si Umpa, dumating si Lanao del Sur Rep. Mauyag Papandayan Jr. kasama ang ilang concerned contractors at ipinakita ang mga text message na ipinadala ng isang trusted aide umano ni Umpa na nanghihingi ng standard operating procedure sa mga contractor habang nagsasagawa na ito ng inspection.

Matatandaan na noong Mayo 16, inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque na pinagbibitiw ni Pangulong Duterte o mahaharap sa termination si Umpa at isa pang assistant secretary ng Department of Justice dahil sa isyu ng korupsiyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.