PANOORIN: SUV nahulog sa daungan sa Cebu | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: SUV nahulog sa daungan sa Cebu

ABS-CBN News
Published May 17, 2018 03:21 AM PHT

CEBU - Nahulog ang isang SUV sa daungan ng bayan ng Cordova, Cebu nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hindi umano naka-hand brake ang sasakyan.

Hindi naman nasaktan ang 5 sakay sa SUV.

Kinilala sila na sina Ramon Cosio, Reymund Gascon, Ramon Ponce at 2 nitong anak.

ADVERTISEMENT
Kuha ni Analyn Boncales
Galing ang grupo sa island-hopping at pauwi na sana nang mahulog ang kanilang sasakyan sa daungan.

Hindi umano naka-hand brake ang sasakyan na minamaneho ni Cosio.

Nasa 5 hanggang 6 na talampakan ang lalim ng dagat na nahulugan.

Sa video na kuha ni Analyn Boncales, makikita na nakalubog sa dagat ang SUV.

Ilang residente ang lumusong sa dagat para sagipin ang mga pasahero.

Ayon sa pulisya, inabot na nang gabi nang makuha ang sasakyan sa dagat, gamit ang isang forklift. - ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News