Lalaking nagpanggap na pulis para sa biyenang kandidato, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagpanggap na pulis para sa biyenang kandidato, arestado

Lalaking nagpanggap na pulis para sa biyenang kandidato, arestado

Mel Bingco,

ABS-CBN News

Clipboard

HINABANGAN, Samar - Inaresto ng mga pulis ang isang lalaking nagpanggap na pulis sa bayan ng Hinabangan sa Samar Lunes.

Ayon kay Chief Inspector Edward Cugtas, hepe ng Hinabangan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen ng Barangay Binubukalan na may nagpakilalang pulis sa kanilang lugar at nagdulot ng takot sa mga residente.

Nagpunta pa sa estasyon ng pulis ang lalaking nagpakilalang si Jay Bernard Salidaga para umano mag-courtesy call.

Nagpakilalang miyembro ng Special Action Force si Salidaga na naka-uniporme ng pulis, may ID, baril, hand-held radio at mga bala.

ADVERTISEMENT

Pero napag-alaman ng mga pulis na laruan lang ang dala niyang baril.

Agad namang umamin si Salidaga na hindi siya totoong pulis. Binili lamang umano niya sa Quiapo ang kanyang uniporme.

Dagdag pa niya, gusto lang niyang maging escort ng biyenan na kandidato ngayon sa kanilang barangay.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban kay Salidaga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.