ALAMIN: Mga panganib sa pag-o-online ng mga bata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

ALAMIN: Mga panganib sa pag-o-online ng mga bata

ALAMIN: Mga panganib sa pag-o-online ng mga bata

ABS-CBN News

 | 

Updated May 15, 2018 05:28 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi biro para sa 12 anyos na si Charles Dela Cruz ang paglalaro ng online game, lalo at aminado siyang paborito niya itong libangan.

Pero bagaman sa computer naglalaro si Dela Cruz, napapaaway na siya nang totoo sa mga taong nakikilala at nakakausap nila sa internet.

"Nagmumura-mura po sa may chat," sabi sa panayam ni Dela Cruz.

"'Pag nag-iisa ako, aasar-asarin nila ako," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Naranasan din ng 10 anyos na si AJ Arbuleda ang maaapi ng mga taong nakilala lang niya sa internet dahil sa online game.

"China-chat po nila ako. Minumura po nila ako," kuwento naman ni Red. "Hindi ko lang pinapansin."

Isa ang cyberbullying o ang pang-aapi online sa mga "cyber risk" na kinakaharap ng mga kabataang Pinoy.

Nasa 73 porsiyento o pito sa bawat 10 estudyanteng may edad walo hanggang 10 taon ang nahaharap sa iba't ibang cyber risk, ayon sa pag-aaral na inilabas kamakailan ng DQ Institute, katuwang ang Department of Education (DepEd) at Globe Telecom.

Mas mataas ito sa global average na 56 porsiyento.

Lumabas na mas laganap din ang paggamit ng social media sites, gaya ng Facebook, ng mga batang Pilipino sa 67 porsiyento, kumpara sa global average na 39 porsiyento lang.

Tinatayang nasa 34 oras kada linggo naman ang oras na ginugugol ng mga batang Pinoy sa harap ng mga gadget, na mas mataas sa global average na 32 hours, ayon sa pag-aaral.

Dagdag pa ng pag-aaral, bukod sa cyberbullying, ang ibang cyber risk na posibleng harapin ng mga kabataang Pinoy ay ang pagiging adik sa video games, pakikipagkita sa mga taong nakilala lang online, at sexual harassment.

Kaya hinimok ng isang technology expert ang mga eskuwelahan at magulang na palawakin ang kaalaman ng mga kabataang Pinoy hinggil sa mga cyber risk.

"Sila 'yong pinaka-vulnerable kasi hindi nila alam pa 'yong konsepto ng bullying, 'yong nangyayari sa trafficking, they're not yet aware of sexual exploitation," sabi ni Philippine Computer Emergency Response Team president Lito Averia Jr.

"Pinakasolusyon diyan is education and awareness. You have to create awareness among the students... kung papaano siya (devices) gagamitin," ani Averia.

Hinikayat din ni Averia ang mga magulang at eskuwelahan na maglaan ng oras sa mga bata para turuan ang mga ito ng tamang paggamit ng internet at mapakinabangan ang mga impormasyong makukuha rito habang napoprotektahan ang sarili mula sa mga pang-aabuso.

Bunsod din ng pag-aaral ng DQ Institute, nagdaos noong Pebrero ng workshop ang Globe, Facebook, at DepEd para i-promote ang responsableng paggamit ng teknolohiya para sa 100 public high school students mula Metro Manila.

-- Ulat ni Michelle Ong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.