Tubong naglalabas ng maruming tubig sa White Beach sa Boracay, hinukay na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tubong naglalabas ng maruming tubig sa White Beach sa Boracay, hinukay na

Tubong naglalabas ng maruming tubig sa White Beach sa Boracay, hinukay na

Nony Basco,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 04, 2018 11:06 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

BORACAY - Hinukay ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang isang tubo na naglalabas ng maitim at mabahong tubig sa White Beach, Biyernes.

Nasa 1 metro ang lalim ng pagkalibing ng tubo na ayon sa residenteng si Leslie Tolentino, ay inilagay nila mga 15 taon na ang nakakalipas.

"Para sa baha 'yan. Kasi palaging bumabaha sa looban kaya naglagay kami ng tubo para makalabas yung tubig," ani Tolentino.

Ngunit habang hinuhukay ang tubo ay bumulwak ang maitim at mabahong tubig kahit na wala namang baha ngayon sa isla.

ADVERTISEMENT

"It's a simple indication that there is still existing, ongoing discharges direct sa orange pipe na ito," sabi ni Richard Fabila, officer-in-charge ng DENR sa Boracay.

Itinanggi naman ng municipal engineering office na nagbigay sila ng pahintulot na magtayo ang mga residente ng sarili nilang drainage palabas sa dagat.

"Parang wala akong matandaan na may pinayagan kami. So parang lumalabas na initiative ng barangay yan," paliwanag ni engineer Elizer Casidsid.

Kinumpirma ni Rowen Aguirre, tagapagsalita ng lokal na pamahalaan, na isa ang tubo sa mga pinayagan noon ng barangay na ilagay para maibsan ang problema sa baha pero maaaring napabayaan ito at posibleng ginamit na tapunan ng ilang mga establisimiyento sa lugar.

"Stagnant water siya. Aalamin kung saan siya galing para malaman natin kung sino ang nagta-tap kasi supposedly para lang talaga sa baha yan," sabi ni Aguirre.

Plano ng DENR na ipabungkal ang buong tubo upang ma-trace ang mga establisimiyento at bahay na nakakonekta dito.

Haharap sa kasong paglabag ng Clean Water Act ang mga establisimiyento na mapatunayan na konektado sa nadiskubreng tubo.

Maaari silang pagmultahin ng P10,000 hanggang P200,000 kada araw depende sa klase ng dumi na lumalabas sa tubo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.