Pulis na nabaril sa GenSan hot pursuit operation, pumanaw na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na nabaril sa GenSan hot pursuit operation, pumanaw na

Pulis na nabaril sa GenSan hot pursuit operation, pumanaw na

Chai Tabunaway,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 01, 2018 04:56 PM PHT

Clipboard

Binawian na ng buhay si PO1 Butch Balatayo matapos tamaan ng bala habang tinutugis ang isang suspek na nagtangkang tumakas sa isang buy-bust operation noong Abril 29, 2018 sa General Santos City.


GENERAL SANTOS CITY - Naka-half mast ngayon ang bandila ng General Santos City Police Office (GSCPO) bilang pagluluksa sa nalagas na kasamahan.

Lunes ng gabi nang pumanaw si PO1 Butch Balatayo, ang pulis na naging kritikal matapos mabaril habang hinahabol ang suspek na nakatakas sa isang buy-bust operation.

Hindi na muna nagbigay ng pahayag ang pamilya ng pulis pero ayon sa City Director ng GSCPO na si Senior Supt. Raul Supiter, hindi nila akalain na mamamatay si Balatayo dahil binisita pa nila ito.

Hindi na rin nito nahintay pa ang personal na pagbisita ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde para kilalanin ang kaniyang dedikasyon sa trabaho. Pumanaw si Balatayo 15 minuto bago dumating si Albayalde.

ADVERTISEMENT

Bagama’t nagluluksa, ipinagmamalaki si Balatayo ng mga kasamahan dahil namatay ito habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin.

Sinabi pa ni Supiter na magsisilbi itong leksiyon sa mga pulis na pag-ibayuhin pa ang trabaho at doblehin ang pag-iingat.

Linggo ng madaling araw ng arestuhin ng mga pulis si Malik Sadam Noor sa buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 1.

Narekober pa umano sa kaniya ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money na P500.

Pero hindi umano naging madali sa mga pulis ang pag-aresto sa kaniya dahil nagtangka pa itong tumakas sakay ng kaniyang traysikel nang matunugang pulis pala ang katransaksiyon.

ADVERTISEMENT

Umabot umano sa Barangay Labangal dito sa siyudad ang hot pursuit pero hindi inakala ng mga pulis na isa sa mga tambay sa lugar ang may bitbit na baril.

Tinamaan ng bala ng isang .45 na baril si Balatayo, isa sa tatlong pulis na humabol kay Noor.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang awtoridad at naaresto ang criminology student na si Jeysier Marlon Addat na siyang itinuturong nakabaril kay Balatayo.

Isinailalim sa paraffin test si Addat at lumabas sa resulta na positibo ito sa gunpowder nitrates.

Nag-raid din ang mga awtoridad sa bahay ni Addat Martes ng madaling araw at nakuha umano rito ang isang granada.

ADVERTISEMENT

Itinanggi naman ito ng kapatid ng suspek. Ayon sa kanila, planted ang granadang nakuha sa drawer na pinaglalagyan lamang umano ng damit panloob ng kanilang ina.

Giit naman ng awtoridad, sa korte na sila magpaliwanag.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong frustrated murder si Addat habang selling at possession of dangerous drugs naman ang kay Noor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.