'Sakristan,' arestado sa pagtutulak umano ng droga sa simbahan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Sakristan,' arestado sa pagtutulak umano ng droga sa simbahan

'Sakristan,' arestado sa pagtutulak umano ng droga sa simbahan

ABS-CBN News

Clipboard

Nahuli si Arjay Avila noong Sabado sa isang buy-bust operation sa Camarines Sur. PNP handout photo

Pili, Camarines Sur- Arestado ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa grotto ng isang simbahan sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Arjay Avila alyas “Sakristan,” 27, sa grotto ng Christ the King Parish sa Barangay Palestina noong Sabado.

Ayon kay police Chief Inspector Chito Oyardo, tatlong sachet ng shabu ang nakuha kay Avila. Itinapon umano ng suspek ang 2 sa mga sachet nang matunugan na pulis ang kaniyang ka-transaksyon.

“Sampung taon na itong ampon ni father sa Christ the King. Nagkabilihan sa grotto. Ayun hinuli na,” ani Oyardo.

ADVERTISEMENT

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

Nagtapos ang suspek sa pagiging marinero, sa tulong ng simbahan.

Pero paglilinaw ni Father Danilo Vargas, hindi sakristan mayor o naging sakristan ng simbahan ang suspek.

Sa Maynila na ito nakatira, pero nagpupunta sa simbahan para bisitahin ang kapatid na pinapaaral ng pari.

“Hindi siya sakristan dito. Hindi namin siya naging sakristan. Na- stay siya noon sa mother ko sa Peñafrancia pero nakatapos na rin siya sa Mariners (Mariners Polytechnic Colleges), seaman.” ani Fr. Vargas, na labis na ikinagulat ang pangyayari.

Hindi umano niya alam na dawit ang suspek sa iligal na droga.

Naniniwala naman ang kapatid ng suspek na frame-up an nangyari sa kaniyang kapatid.

Sa eksaminasyon ng Camarines Sur crime laboratory, positibong shabu ang laman ng nakuhang 3 sachet kay Avila.

Naisampa na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.