ALAMIN: Mga aayusing tulay at flyover sa Metro Manila dahil sa 'katandaan' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga aayusing tulay at flyover sa Metro Manila dahil sa 'katandaan'

ALAMIN: Mga aayusing tulay at flyover sa Metro Manila dahil sa 'katandaan'

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 26, 2018 09:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na maaaring magdulot ng trapiko ang pagsasaayos sa ilang tulay at flyover sa Metro Manila.

Ayon sa mga opisyal ng MMDA, kinakailangan nang ipaayos ang mga tulay at flyover dahil posibleng bumigay ang mga ito ano mang oras bunsod ng katandaan.

"Hindi na puwedeng i-urong pa at kailangang maisagawa na dahil sa pangangailangan at dahil na rin sa safety issues," ani MMDA Deputy Chairman Francis San Juan.

"Marami nang tulay ang due for rehabilitation, siyempre 'pag nagkaaberya, bumagsak iyan, lalong malaking disgrasya," sabi naman ni MMDA Traffic Engineering Head Noemie Recio.

ADVERTISEMENT

Nangunguna sa listahan, ani Recio, ang Magallanes Interchange sa EDSA, na panahon pa ni dating pangulong Ferdinand Marcos ginawa.

Delikado na rin, ayon kay Recio, ang kalagayan ng Guadalupe Bridge sa Makati dahil panahon pa ito ng mga Amerikano itinayo.

Dati nang inayos ang tulay pero iyong gitnang bahagi lang ang ni-repair.

Kabilang naman sa listahan sa Maynila ang Jones Bridge, McArthur Bridge, Quezon Bridge, Del Pan Bridge, at Otis Bridge.

Sa Quezon City, tatlong tulay sa Xavierville, Katipunan ang kailangang ipaayos.

Kailangan namang ma-retrofit o mapatibay ang mga flyover sa may kahabaan ng EDSA dahil matatanda na rin, ayon sa MMDA.

Marami sa mga aayusing tulay at flyover ang sasagasa sa mga konstruksiyon ng MRT, LRT, at mga proyekto sa ilalim ng "Build, Build, Build" gaya ng Mega Subway.

Kaakibat nito ang pagpapasara sa ilang lanes at pagbibigay ng alternatibong ruta sa mga motorista simula Martes, Mayo 1.

Isasara ang southbound ng Concordia Bridge sa Quirino Avenue, Maynila para sa Skyway connector construction.

Sisimulan na ring itayo ang Tandang Sora Station ng MRT-7, na kakain ng tig-isang lane sa Commonwealth Avenue.

Dahil ginagawa na rin ang Subway sa bahagi ng MRT-7, kakain din ito ng lane sa North Avenue at Commonwealth Avenue.

Ayon sa MMDA, maglalabas sila ng listahan ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.