Mga bubong ng bahay, nagliparan sa malakas ng hangin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga bubong ng bahay, nagliparan sa malakas ng hangin

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Apr 26, 2017 09:12 AM PHT

TUPI, South Cotabato - Binayo ng malakas na hangin ang daycare center at limang bahay sa Sitio Lemblisong, Barangay Kablon, sa bayan na ito alas-dos ng hapon nitong Linggo.

Ang mga apektadong bahay, natuklap ang mga bubong at may yero pang sumabit sa itaas ng niyog sa lakas ng ihip ng hangin.

Pero ang matinding tinamaan ay ang daycare center ng lugar kung saan buong bubong ang tinangay ng hangin.

Ayon sa Barangay Secretary na si Nerisa Abayabay, umuulan raw bago ang paghambalos ng malakas na hangin.
Ayon sa Barangay Secretary na si Nerisa Abayabay, umuulan raw bago ang paghambalos ng malakas na hangin.
ADVERTISEMENT
Ngayon, nakaalerto pa rin ang mga residente dahil nananatiling masama ang lagay ng panahon sa sitio.

“Every day, umuulan po. Nagbabantay kasi kagaya ngayon, nakikita mo naman sa paligid na masama talaga ang panahon. Madilim, akala namin another malakas na naman na hangin ang mangyari. Always pa naman tinatamaan ng buhawi dito sa amin,” sabi ni Abayabay.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan na si Emil Sumagaysay, localized thunderstorm ang naging dahilan ng malakas na hangin.

Bagamat madalas na nagkakabuhawi doon, hindi umano buhawi ang tumama sa lugar.

“Kasi kung buhawi talaga siya, wala mang natamaan na mga crops doon. Siguro bigla lang humangin ng malakas, kasi may portion doon na parang bundok na parang nagbangga siguro ang hangin sa taas may mga kahoy, tiningnan namin walang bakas ng mga na dinaanan ng hangin doon sa taas,” sabi ni Sumagaysay.

Nakahanda namang magbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pag-aayos ng daycare center.

Muli namang naibalik ng mga apektadong residente ang bubong ng kani-kanilang bahay.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.