PGT semi-finalist, nakaladkad ng taxi habang hinahabol ang cellphone snatcher | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PGT semi-finalist, nakaladkad ng taxi habang hinahabol ang cellphone snatcher

ABS-CBN News
Published Apr 24, 2018 11:17 AM PHT
|
Updated Apr 24, 2018 04:24 PM PHT

Isang miyembro ng grupong semi-finalist sa "Pilipinas Got Talent" (PGT) ang natangayan ng cellphone ng isang snatcher sa Mandaluyong City nitong Martes.

Miyembro ng PGT semifinalist na Mad Queens, ninakawan ng cellphone sa Mandaluyong. Snatcher, binugbog ng mga tao. pic.twitter.com/aML4oYD1aS
— Jekki Pascual (@jekkipascual) April 23, 2018

Kuwento ni Toni San Lorenzo ng grupong Mad Queens, nag-aabang siya ng masasakyan sa Shaw Boulevard nang biglang hablutin at itakbo ng lalaki ang cellphone n'ya.

Sumigaw aniya siya at hinabol pa ang kawatan hanggang sumakay ang snatcher sa isang taxi. Nahabol ni San Lorenzo ang taxi at tinangka itong buksan ngunit humarurot ang drayber dahilan para makaladkad siya.

Narinig ng mga tao ang kaniyang sigaw kaya't hinarang ng mga tricycle ang taxi.

ADVERTISEMENT
Tumakas ang drayber ng taxi ngunit naiwan ang nagnakaw ng cellphone at binugbog ito ng taumbayan.

Umamin ang snatcher na kasabwat nito ang taxi at nagawa lamang n'ya ang krimen para may ipantubos sa lisensiya.

Nakakulong na sa Mandaluyong Police Station ang snatcher at nahaharap sa kasong robbery-snatching.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
UKG
snatching
krimen
Mandaluyong
Umagang Kay Ganda
robbery
taxi
Pilipinas Got Talent
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT