'Abu girlfriend', iba ang paalam sa Davao police | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Abu girlfriend', iba ang paalam sa Davao police

ABS-CBN News
Published Apr 24, 2017 06:26 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2017 06:28 PM PHT

Ikinagulat ng mga katrabaho sa Davao ni Police Supt. Maria Cristina Nobleza ang pagkaaresto sa kanya sa Bohol kasama ang umano'y karelasyon na sasaklolo raw sa mga tinutugis na rebeldeng Abu Sayyaf.

Nitong Sabado, tinangka nina Nobleza at karelasyong si Renierlo Dongon na lusutan ang isang checkpoint sa Bohol.

Naarestong umano’y protektor ng Abu Sayyaf: P/Supt. Maria Cristina Nobleza at karelasyong si Renierlo Dongon
Nang mapahinto na ang sinasakyan nilang pick-up truck, pinababa ang mga suspek na noo’y kasama rin ang isang nakatatandang babae at menor de edad na lalaki. Nasabat sa kanilang sasakyan ang mga pagkain, gamot, damit, cellphone na may baterya at SIM packs, diving gear at isang baril.

Base sa imbestigasyon, plano ng magkarelasyong suspek na sagipin ang isang alias “Asis,” 17 anyos at kabilang sa natitirang tatlong rebeldeng tinutugis pa rin sa Bohol.

Sinasabing bomb expert si Dongon at bayaw nina Khadaffy Janjalani at napatay na teroristang si Marwan.

Sinisiyasat na rin ngayon ng mga awtoridad ang mga lugar na pinuntahan ni Nobleza habang naka-destino sa Davao bilang assistant regional director ng Region XI PNP Crime Laboratory.

Nagulat maging ang direktor ni Nobleza kung paanong napunta siya sa Bohol gayong ang paalam daw niya ay dadalo sa training sa Camp Crame.

Umalis ng Davao si Nobleza noong Abril 12, isang araw matapos ang engkuwentro ng mga sundalo at Abu Sayyaf sa Bohol.

Ipinagtataka rin daw ng mga kasamahan ng suspek ang mga nakakausap sa cellphone ni Nobleza dahil tila may iba raw sa takbo ng kanilang usapan.

Hindi rin daw nila maintindihan kung bakit pinili ni Nobleza na manatili sa isang hotel, sa halip na sa isang bahay, sa Davao mula nang madestino siya roon noong Pebrero.

Sa ngayon, inihahanda na ang mga kasong kriminal at administratibo na isasampa laban kay Nobleza. Ayon kay PNP chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa, sisibakin sa serbisyo ang suspek.

“She is romantically involved or linked with the ASG member na driver… personal na ‘yung pakikipagrelasyon niya doon sa Abu Sayyaf,” ani Dela Rosa. “She is sleeping with the enemy.”

Hindi dinetine ang mga kasama ng mga suspek na nakatatandang babae at menor de edad. Pero batay sa impormasyong nakalap, biyenan ang babae ng mga pinuno ng Abu Sayyaf na sina Marwan, Khadaffy Abubakar Janjalani, Abu Sulayman al-Muhajir at Ahmed Santos. Anak naman daw ni Santos ang menor de edad.

Matatandaang noong 2015, si Marwan ang naging target ng madugong operasyon ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

Read More:
Bohol
Abu Sayyaf
Maria Cristina Nobleza
Renierlo Dongon
Marwan
terrorism
terrorist
terorista
terorismo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT