31 patay sa pagbulusok ng bus sa bangin sa N. Ecija | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
31 patay sa pagbulusok ng bus sa bangin sa N. Ecija

ABS-CBN News
Published Apr 19, 2017 08:37 AM PHT
|
Updated Apr 19, 2017 03:52 PM PHT

Posibleng overloading, iniimbestigahan ng LTFRB

MANILA - Hindi bababa sa 77 pasahero ang sakay ng bus na nahulog sa bangin sa Carranglan, Nueva Ecija kung saan nasawi ang mahigit 30 katao, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya Miyerkules.

Sinabi ni Nueva Ecija police director, Senior Superintendent Antonio Yarra, na umabot na sa 31 ang namatay sa aksidente habang 46 naman ang mga nasaktan.

"With that number of casualties, lumalabas po na 77 ang kabuuan na biktimang ating na-account," ani Yarra sa panayam ng DZMM.

Iniimbestigahan pa kung overloaded ang bus lalo't 50 hanggang 60 pasahero lamang ang kapasidad ng sasakyan, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board spokesperson, Atty. Aileen Lizada.

ADVERTISEMENT
"I just want be sure and I want to talk to the operator. We are in touch with him and we have his number already. We just want to get more details," sabi ni Lizada sa hiwalay na panayam ng Umagang Kay Ganda.

Dakong alas-10 Martes ng umaga nang mahulog ang Leomaric Trans Bus sa isang bangin na may lalim na 100 hanggang 150 talampakan sa Sitio Nursery, Barangay Capintalan sa Carranglan.

Sinabi ng ilang survivor na nawalan umano ng preno ang bus habang ibinahagi ng iba pang pasahero na pumutok umano ang unahang kanang gulong nito, ayon kay Yarra.

Nagkahiwalay ang chassis at bubong ng bus dahil sa tindi ng pagbulusok nito sa bangin.

@DZMMTeleRadyo @JohnsonDZMM @pia_gutierrez @jeffcanoy TINGNAN: Nawasak na bahagi ng bus na nahulog sa bangin sa Nueva Ecija kung saan higit 29 ang nasawi. | via @jeffcanoy pic.twitter.com/cCi7goLc0O
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) April 18, 2017

Walo sa mga nasawi ay nakalagak sa mga ospital sa katabing lalawigan ng Nueva Vizcaya habang ang iba pa ay nadala na sa mga punerarya. Ilan sa kanila ang hindi pa nakikilala, ani Yarra.

"Wala silang identification o data sa kanilang katawan. Iyung relatives nila ay paisa-isang dumadating dito sa punerarya at ospital para sila ay kilalanin," sabi ng pulis.

Babalik sa crash site ang pulisya, LTFRB at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa pinangyarihan ng aksidente upang matiyak kung may iba pang nasawi sa aksidente.