Plantasyon ng marijuana, nabuko ng mister na hinahanap ang nangangaliwang misis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Plantasyon ng marijuana, nabuko ng mister na hinahanap ang nangangaliwang misis

Carmela Jimenez,
ABS-CBN News
Published Apr 18, 2017 08:53 PM PHT
|
Updated Apr 18, 2017 09:37 PM PHT

TINUTUNTON ANG MISIS NA SUMAMA SA KALAGUYO

LA UNION – Naging daan ang personal na problema ng isang residente ng Santol upang madiskubre ang isang plantasyon ng marijuana sa lugar.

Nakita ni Freddie Litaoen ang pataniman sa boundary ng Barangay Sapdaan, Santol, La Union, at Barangay Mocgao, Kibungan, Benguet habang hinahanap ang asawang itinakbo umano ng kalaguyo.

“Immay datoy Freddie nga inna ibagbaga nga intaray da jay baket na. kunak kanyana ingka kitaen nu dinu ti pudno nga nangipanan da dayta lalaki,” ani Milando Amiao, kapitan ng Barangay Sapdaan.

(Lumapit si Freddie, sabi niya itinakbo iyong misis niya. Sabi ko sa kanya, tingnan niya kung saan talaga dinala ng lalaki yung misis niya.)
Kilala raw ni Litaoen ang hinihinalaang kalaguyo ng kanyang asawa, kaya alam nya kung saan dinala ang misis. Pero hindi raw niya alam na may pataniman ng marijuana sa lugar.

Nakita sa isang silungan sa plantasyon ang identification card ni Rufino Lagade, residente ng Barangay Badeo, Kibungan, Benguet, Siya ang hinihinalang may-ari ng toldang nakita roon, at ang umanong kalaguyo ng asawa ni Litaoen.

Ayon sa mga imbestigador, si Lagadeo ay isang drug surrenderer ng Kibungan.

“Nakita namin sila—iyong babae at iyong lalaki. Ang galing din nung planters. Hindi pa kami masyadong nakatuntong sa kanya, tumahol iyong aso. Ang nangyari, pinaputukan kami. Nakatakas, pero identified kasi naiwan yung cedula at ID,” Sabi ni Police Chief Inspector Danilo Ligayo, hepe ng Santol Municipal Police Station.

Bukod sa ID card at cedula, naiwan din sa tolda ang ilang nakataling tangkay ng pinatuyong marijuana.

Dinaganan ng bato ang ibang marijuana para maitago. Ayon sa mga pulis, indikasyon ito na nakahanda nang ibenta ang mga tanim.

Itinayo ang tolda sa plantasyon ng marijuana, na may luwang ito na 1,600 square meters. Itinatayang aabot sa P8.870 milyon ang halaga ng mga tanim na marijuana.

Sinunog na ng mga otoridad ang mga tanim.

Pinag-aaralan na ng mga pulis sa Santol ang susunod na hakbang.

Posibleng masampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Lagadeo at ang asawa ni Litaoen, na kakasuhan din umano ng reklamong adultery.

Madadagdagan din ang reklamo laban kay Lagadeo dahil sa umanong paglabag nito sa Republic Act 3815 o Revised Penal Code, nang manlaban ito sa mga otoridad.