Teenager na dinukot ng 10 lalaki, natagpuang patay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Teenager na dinukot ng 10 lalaki, natagpuang patay

Teenager na dinukot ng 10 lalaki, natagpuang patay

Ron Lopez,

DZMM

Clipboard

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi nakilalang salarin ngayong Huwebes ang isang 19-anyos na lalaking unang dinukot sa Navotas City, Miyerkules.

Kinilala ng mga kaibigan ang biktima bilang si Raymart Siapo, residente ng Barangay North Bay Boulevard South sa Navotas.

Anila, pasado alas-11 Miyerkules ng umaga nang dukutin ng mahigit 10 lalaking sakay ng 6 na motorsiklo ang biktima mula sa bahay ng isa nitong kaibigan.

Pawang armado ang mga suspek na nakasuot ng bonnet kaya walang nagawa ang mga kabarkada ni Siapo kundi ibigay siya sa mga ito.

ADVERTISEMENT

Patay na ang teenager at may mga tama ng bala sa ulo nang matagpuan sa paradahan ng mga truck sa Galicia Extension sa kalapit na Barangay Bangkulasi.

Ayon sa isang saksi, 3 putok ng baril ang kanyang narinig sa lugar,, Huwebes ng madaling-araw.

Wala namang makapagsabi sa pagkakakilanlan ng salarin.

Hindi maisip ng mga kaibigan ng biktima ang posibleng motibo sa pagdukot at pagpatay kay Siapo dahil bagamat posible anilang gumagamit ito ng marijuana ay hindi naman ito nagtutulak o lulong sa shabu.

Nag-aaral anila ang biktima sa Alternative Learning System dahil may kapansanan ito sa paa at hirap maglakad.

Isang live ammunition at 2 sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa crime scene.

Ilang dipa lamang ang layo ng crime scene sa lugar kung saan binaril at pinatay rin ang isang 16-anyos na lalaki noong nakaraang Linggo.

Napaulat ding dinukot ng mga armadong lalaki ang unang biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.