Mag-asawang sakay ng motorsiklo sugatan sa aksidente | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang sakay ng motorsiklo sugatan sa aksidente

Mag-asawang sakay ng motorsiklo sugatan sa aksidente

Cherry Palma,

ABS-CBN News

Clipboard

Wasak ang harapang bahagi ng isang pickup matapos mabangga ang motorsiklong sinasakyan ng mag-asawang biktima. Cherry Palma, ABS-CBN News

ILOILO CITY – Sugatan ang mag-asawang sakay ng motorsiklo matapos mabangga ng isang pickup, Lunes ng gabi.

Agad na nirespondehan ng Iloilo City Emergency Response Team ang sugatang driver ng motorsiklo na si Reno Grajo, habang nauna nang dinala sa ospital ang kaniyang asawa at angkas na si Michelle matapos mawalan ng malay sanhi ng natamong sugat sa ulo.

Nabangga ang dalawa ng isang pickup habang papaliko sa kanilang bahay sa Balabago, Jaro.

Ayon sa nakakita sa aksidente na si Benedicto Oyangorin, isang truck driver, nagtangka pa umanong tumakas ang pickup matapos ang aksidente pero hindi na nakalayo pa dahil kumabit na sa gulong ng kaniyang sasakyan ang motorsiklo ng mag-asawa.

ADVERTISEMENT

Desidido namang magsampa ng pormal na reklamo ang pamilya Grajo laban sa driver ng pickup na si Jessi Arguelles.

Samantala, gagamiting ebidensiya ng Jaro traffic investigator ang kuha ng dashboard camera sa pickup para matukoy kung sino sa dalawang kampo ang may pananagutan sa pangayayari.

Kasalukuyang nakakulong sa Jaro police station si Arguelles at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.