Janitor, nagbalik ng bag na may P1 milyon cash | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Janitor, nagbalik ng bag na may P1 milyon cash

Janitor, nagbalik ng bag na may P1 milyon cash

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 28, 2018 05:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Noong Lunes lang nakahawak ng perang nagkakahalagang halos P1 milyon ang janitor na si Reynaldo Padilla.

Nangyari ito sa ikalimang taon ni Padilla bilang janitor sa isang pribadong ospital.

Habang naglilinis siya ng isang kuwarto, nakita niya sa cabinet ang isang backpack na puno ng naka-bundle na mga pera.

Hindi naman siya nagdalawang isip na isauli ito sa kanilang opisina.

ADVERTISEMENT

"Hindi naman po sa akin 'yan. Tapos hindi ko naman po pinaghirapan," ani Padilla.

Naibalik na ng pamunuan ng ospital ang bag sa may-ari nito, na isa palang negosyante. Ang P1 milyon laman ng bag ay ipasusuweldo niya sa kaniyang mga empleyado.

Kung tutuusin ay sapat na halaga ang P1 milyon para makaahon sa buhay sina Padilla at makalipat mula sa maliit nilang bahay na inaabot pa ng tubig tuwing high tide.

Pero para kay Padilla, mahalagang galing sa marangal na hanapbuhay ang ipinapakain niya sa kaniyang pamilya.

Inspirasyon din si Padilla para sa dalawa niyang anak.

ADVERTISEMENT

Susuklian umano nila ang pagpupursigi ng kanilang ama sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.

"Mabait siya kasi binabalik niya 'yung hindi sa kanya na pera," anang anak na si Rachelle.

Binigyan ng may-ari si Padilla ng P10,000 gantimpala, na ibinahagi pa niya sa kaniyang mga kasamahang janitor.

Hindi naman kasi pera kundi mabuting kalooban at masayang pamilya ang itinuturing niyang tunay na yaman.

-- Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.