Babaeng pulis, pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng pulis, pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Maynila

Ernie Manio,
ABS-CBN News
Published Mar 20, 2017 11:51 AM PHT

Patay ang isang babaeng pulis matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang kotse sa Recto, Maynila Linggo ng gabi.

Sa kuha ng CCTV camera, makikitang dumaan ang isang motor at ang kotse ng biktimang si PO1 Jorsan Marie Alafriz.

Sa isa pang anggulo, hindi na nakita ang kotse dahil sumalpok na ito sa nakaparadang tricycle habang nag-U-turn naman ang motorsiklong may sakay na 2 tao.

Papasok pa lang sa trabaho bilang line beat patroller ng Barbosa police community precinct si Alafriz nang mapaslang.

ADVERTISEMENT
Ayon sa isang saksi, sinundan ng motorsiklo ang kotse at nagpaputok ang backrider nito nang makakuha ng tyempo.

"Bale lumiko. Pagdating sa gitna, doon pinagbabaril. Yung backrider ang bumabaril," ani "Lucy."

Dinala pa sa ospital ang pulis pero binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa dibdib at mukha.

Inaalam pa ang motibo ng pamamaslang.
Inaalam pa ang motibo ng pamamaslang.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT