Umuwing OFW mula Kuwait, prayoridad sa 1,000 trabaho sa Japan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umuwing OFW mula Kuwait, prayoridad sa 1,000 trabaho sa Japan

Umuwing OFW mula Kuwait, prayoridad sa 1,000 trabaho sa Japan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 28, 2020 05:58 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Binigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ang isang kompanya sa Japan ng "go signal" sa pagkuha ng 1,000 manggagawang Pinoy para sa kanilang in-flight catering service.

Ito ang trabaho ng mga nagbibigay ng pagkain sa mga tren sa Japan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, prayoridad ng kompanya na mabigyan ng trabaho ang mga overseas Filipino worker (OFW) na na-repatriate o umuwi mula Kuwait.

Dagdag pa ni Bello, karamihan sa mga umuwi mula sa Kuwait ay mga household service worker na may kakayahan sa pagluluto at paglilinis na angkop sa job order.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernardo Olalia, makikipag-ugnayan sila sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para isama ang naturang trabaho sa listahan ng skills na pasok sa technical internship training program.

"Ito iyong deployment process natin under the Japanese and Philippine agreement with the assistance ng ating mga agencies," sabi ni Olalia.

Isasangguni ng POEA ang mga pinauwing OFW mula Kuwait sa mga agency na may hawak ng job order mula Japan.

Payo ng POEA sa mga interestado ay paghandaan ang mga rekisito.

Mas mainam kung may TESDA certificate sa food preparation para mas madaling matanggap.

Magsisimula ang recruitment ng Japan sa susunod na dalawang buwan.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.