5 estudyante na nagbebenta ng high-grade marijuana, arestado | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 estudyante na nagbebenta ng high-grade marijuana, arestado

5 estudyante na nagbebenta ng high-grade marijuana, arestado

Paulo Ferrer,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang 5 estudyante na umano'y sangkot sa pagbebenta ng high-grade marijuana sa magkahiwalay na operasyon sa Lucena City, Quezon.

Ang mga nahuli ay nasa kolehiyo at high school. Dalawa sa kanila ay 17-anyos at 15-anyos pa.

Narekober mula sa grupo ang 200 gramo ng high-grade marijuana na mas kilala sa tawag na kush. Tinatayang nagkakahalaga ito ng P300,000.

"Ang tawag nila dito sa lokal, gorilla. Kasi nga ganun ang tama niya parang naging gorilla ang dating mo," ani Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Lucena City police.

ADVERTISEMENT

Kadalasang parokyano umano ng mga nahuli ay mga estudyante rin na nag-aaral sa mga pribadong paaralan sa lungsod.

May kamahalan kasi ang presyo nito na umaabot sa P1,500 hanggang P2,500 depende sa demand nito.

Kinilala na rin ng pulisya bilang isang lokal na drug group ang mga nahuli dahil may sistema na ito sa pagbebenta ng marijuana.

"Ang grupo nila ay gumagamit ng Messenger lang kaya ang hirap pumasok," dagdag ni Cabatingan.

Inamin naman ng mga naaresto na sangkot sila sa pagtutulak.

Giit ng isa sa kanila, ginagawa niya ito bilang panustos sa pag-aaral nila ng kaniyang kapatid.

"Ako po kasi ang sumusuporta sa pamilya ko. Apat po kaming magkakapatid. Hindi na po kami kayang ipang-tuition ng magulang ko," aniya.

Mahaharap ang 3 suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa pangangalaga naman ng city social welfare development ng Lucena City ang 2 menor de edad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.