Mga tindero sa Maynila, nagprotesta laban sa 'kotong cops' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tindero sa Maynila, nagprotesta laban sa 'kotong cops'

Mga tindero sa Maynila, nagprotesta laban sa 'kotong cops'

Dennis Datu,

DZMM

Clipboard

Sumugod sa Manila Police District headquarters ang isang grupo ng mga tindero Miyerkules para iprotesta ang umano'y pangongotong sa kanila ng ilang pulis.

Bitbit ng mga miyembro ng United Vendors Alliance ang mga larawan umano ng ginagawang pangongotong ng mga pulis-Maynila.

Binarikadahan naman ng MPD ang gate ng kanilang tanggapan sa United Nations Avenue laban sa mga raliyista.

Ayon sa tinderong si John Dex Ditire, nasa P200 kada araw ang sapilitang kinukuha sa kanila ng mga "kotong cop."

ADVERTISEMENT

Tuwing tumatanggi anya silang magbayad, hinuhuli sila ng mga pulis o kinukumpiska at sinisira ang kanilang mga paninda.

Sinibak na ni MPD Director, Chief Supt. Joel Coronel ang 5 inirereklamong pulis matapos makipag-dayalogo sa mga vendor.

Hindi muna pinangalanan ni Coronel ang mga nasabing pulis, pero kinumpirma niyang mula ang mga ito sa MPD-Station 5 at may mga ranggong Senior Police Officer 3, Police Officer 3 at Police Officer 1

Binigyan anya niya ang 5 pulis ng 24 oras para magreport sa MPD headquarters.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.