DA: Suplay ng pagkain tuloy ang pagpasok sa Metro Manila kahit may quarantine | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DA: Suplay ng pagkain tuloy ang pagpasok sa Metro Manila kahit may quarantine

ABS-CBN News
Published Mar 13, 2020 05:42 PM PHT

MAYNILA — Siniguro ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes na magpapatuloy ang pagpasok sa Metro Manila ng mga produkto tulad ng gulay at karne mula sa ibang lalawigan kahit epektibo na ang community quarantine sa rehiyon simula Marso 15.

"They will be coming in as normal as they have been. If there will be problem, we will work this out with the military and police," ani Agriculture Secretary William Dar.

Ani Dar, titiyakin nilang sapat at tuloy-tuloy ang suplay ng basic food commodities sa mga palengke para may mabili ang mamamayan.

Sa mga National Food Authority (NFA) warehouse pa lang ay may nakaimbak nang bigas na kayang suplayan ang pangangailangan ng mga taga-Metro Manila sa loob ng 80 araw.

Makakakuha din aniya ng suplay ng bigas mula sa mga magsasaka lalo't panahon ngayon ng anihan.

Bukod dito, may karagdagan ding makukuhang 35-week rice supply
mula sa mga private sector.

Binanggit din ng kalihim na magiging sapat ang suplay ng agriculture at poultry products.

Giniit naman ni Dar na mahigpit nilang babantayan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa palengke para walang mga negosyanteng mananamantala.

Pagdating naman sa pagde-deliver ng pagkain papasok sa Metro Manila, walang magiging problema dahil hindi ito haharangin.

Imumungkahi din aniya na maglaan ng food lane para mas maging mabilis ang pag-deliver ng pagkain.

Pero nilinaw ni Dar na ang mga magde-deliver ng pagkain ay isasalang sa body temperature scan para matiyak na wala silang sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad ng lagnat, sipon, at ubo.

Ang community quarantine sa Metro Manila ay ipinatupad upang maiwasan pa ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Nanawagan naman ang DA sa publiko na huwag mag-panic buying o kaya naman ay mag-hoard ng pagkain.

Bumili lang anila ng sapat na pagkain dahil hindi naman magkakaubusan ng suplay.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
COVID-19
suplay
food supply
community quarantine
Department of Agriculture
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT