Hinihinalang gang leader, sugatan sa rambol sa Davao City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hinihinalang gang leader, sugatan sa rambol sa Davao City

Bonna Pamplona,
ABS-CBN News
Published Mar 11, 2018 06:20 PM PHT

DAVAO CITY - Sugatan ang menor de edad na si Alyas Joel matapos mabato sa ulo nang makaalitan ang mga gang.

Pinaniniwalaang lider ng isang gang si Joel.

Nag-riot ang mga ito pasado ala-una Linggo ng madaling araw sa Purok Talisay Times Beach, Barangay 76-A sa Davao City.

Ayon sa kasamahan nito na si Alyas Raul, nag-ca-car wash lang umano sila nang may dumaan na grupo ng mga kalalakihan at bigla silang binato.

ADVERTISEMENT
Pero ayon sa mga residente, palagi umanong nag-ra-riot ang grupo ng kalalakihan sa kanilang lugar.

Talong menor de edad din ang hinuli ng Talomo Police nang magsitakbuhan ang mga ito matapos sitahin.

Samantala, sa tulong naman ng mga masahista na naka-pwesto sa may Rizal Park sa Davao City, naaresto rin ang dalawang menor de edad na lalaki nang mag-riot din Linggo ng madaling araw.

Dadalhin sa lokal na Department of Social Welfare and development ang mga na-rescue na menor de edad para isailalim sa counseling.