Mga babaeng sinasaktan ng kanilang asawa, ka-live in, dumami | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga babaeng sinasaktan ng kanilang asawa, ka-live in, dumami

ABS-CBN News
Published Mar 09, 2018 08:56 PM PHT
|
Updated Jan 08, 2020 06:21 PM PHT

Tumaas ang bilang ng insidente ng spousal violence o 'yung babaeng sinasaktan ng asawa o ka-live in, base sa National Demographic and Health Survey (NDHS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

"Pag sinabing spousal violence, ito ay nangangahulugan na mga karahasan na nararanasan ng mga kababaihan na nagmumula sa kanilang mga asawa o live-in partner," paliwanag ni Joyce Dela Paz, assistant regional director ng Commission on Population (POPCOM) sa NCR.

Isa sa mga nakaranas nito ay si alyas "Sonia," na isang dekadang tiniis ang sampal, suntok, at pambabato sa kaniya ng mga gamit ng kaniyang asawa.

"Nananakit talaga siya, nagkakaroon ako ng mga pasa...May mga sinasabi siya na parang may psychological effect din sa akin," kuwento ni Sonia.

ADVERTISEMENT
Aminado si Sonia na hindi naging madali ang pag-iwan sa kaniyang asawa.

"Napagta-tiyagaan ko kasi siyempre mahal mo...Inisip ko mas maganda na kumpleto ang pamilya di ba?" pag-alala niya.

Ayon sa datos ng NDHS, tumaas ang bilang ng spousal violence kung ikukumpara noong 2013. Mula sa 25.9 porsiyento ay tumaas ito sa 26.4 porsiyento sa loob lamang ng apat na taon.

Ibig sabihin, isa sa bawat apat na babae ay nakararanas ng karahasan.

Pinakamataas ay sa Caraga Region kung saan nasa isa sa bawat dalawang babae na sumailalim sa survey ay nakaranas ng nasabing uri ng karahasan.

Kung pisikal na pananakit sa babae ang titingnan, nakitang mataas ito sa mga edad 20-24.

"Maaaring i-link ito sa kawalan ng impormasyon ng mga kababaihan na sila ay may mga karapatan at serbisyo na nariyan para tulungan sila...Madalas na nabibiktima ay sa mga mahihirap o hindi masyadong nakapag-aral," ani Dela Paz.

Ayon sa isang women's group, posibleng dahilan nito ay kultura pati na rin ang konsepto ng machismo.

"Mayroon tayong lipunan na ang pagtingin sa kababaihan ay napakaatrasado pa...Iyung sa kultura na ang babae ay expected na masunurin, kimi kapag siya ay nag-aasawa, pledge mo 'yan sa simbahan, sa school," ani Mary Joan Guan, executive director ng Center for Women's Resources.

Base rin sa survey, may mga babae na bumabalik pa rin sa partner kahit sinasaktan.
Base rin sa survey, may mga babae na bumabalik pa rin sa partner kahit sinasaktan.
ADVERTISEMENT
"Iyan 'yung tinatawag na cycle of violence...Una babalik siya para sa mga anak, pangalawa naniniwala siya na baka magbago pa," ayon kay Guan.

Sa huli, payo nila sa mga babae na kailangang isipin na hindi lang siya para sa tahanan kung hindi para rin sa lipunan.

Kapag nakaranas din ng karahasan, magpunta agad sa awtoridad para matulungan.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
kababaihan
karahasan
violence against women
National Demographic and Health Survey
NDHS
Philippine Statistics Authority
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT