Sen. Villar dinepensahan ang hotel ng pamilya sa Boracay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sen. Villar dinepensahan ang hotel ng pamilya sa Boracay

ABS-CBN News
Published Mar 07, 2018 01:46 PM PHT
|
Updated Mar 07, 2018 09:11 PM PHT

MANILA - Inamin ni Senador Cynthia Villar ngayong Miyerkoles na may investment ang kaniyang pamilya sa isang hotel sa Boracay, pero iginiit niyang sumusunod ito sa mga panuntunan hinggil sa pangangalaga ng kalikasan.

Sinabi ng mambabatas na binisita niya ang Boracay noong nakaraang linggo para sa imbestigasyon ng Senado ukol sa pagkasira nito.

Aniya, hindi sana siya pumunta sa isla kung hindi tiniyak ng tagapangasiwa ng kanilang hotel na Boracay Sands na hindi ito lumalabag sa anumang panuntunan.
Una nang pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dumi sa isla na kaniyang binansagang "cesspool." Inamin naman ng environment department na ilang establishment ang direktang nagtatapon ng basura sa dagat sa paligid ng isla.

Dahil dito, isinulong nina Interior Secretary Eduardo Año at Tourism Secretary Wanda Teo ang pagsasara ng Boracay nang 60 araw para masolusyunan ang polusyon dito.

ADVERTISEMENT
Sinabi ni Villar na may investment ang kaniyang pamilya sa 139 lugar sa Pilipinas. Hindi aniya maaapektuhan ang kanilang pangkalahatang negosyo sakaling ipasara ang Boracay.

"I'm not managing our business. I don't think it will affect our business, kahit isara nila ang Boracay. I have done so much for the environment and I'm still doing it," sabi niya sa mga reporter.

Mayroong nasa 50 kuwarto ang hotel ng pamilya ni Villar.

Si Villar ang pinakamayamang kawani ng gobyerno noong 2015, batay sa kaniyang idineklarang P3.5-bilyon na net worth. Ilang dekada na siya sa real estate at construction business, kasama ang asawa na si dating Senate President Manny Villar.

May ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT