Lolo, nakitang gumagala habang may dalang P1.5-M | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lolo, nakitang gumagala habang may dalang P1.5-M

Lolo, nakitang gumagala habang may dalang P1.5-M

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Naibalik na sa kanyang kaanak ang isang 91-anyos na lolo na natagpuang naglalakad habang may dalang P1.5 milyon sa EDSA, Mandaluyong City Lunes.

Ayon sa police report, nakita ng mga nagrorondang pulis at opisyal na Barangay Barangka Ilaya na pinagkakaguluhan ng ilang tao ang lolo sa EDSA bandang alas-5:30 ng hapon.

Nang lapitan, nakita nilang may dalang mga salaping piso at dolyar ang lolo. Hawak niya ang ilan habang ang iba ay nasa bulsa ng kanyang pantalon.

Dinala nila ang lolo sa barangay hall para makuha ang pagkakakilanlan niya at mabilang ang dala niyang pera.

ADVERTISEMENT

Natala nila ang halos 300 piraso ng dollar bills na nagkakahalaga ng P1.3 milyon at peso billa na aabot sa P276,000.

Ipinaliwanag ng matanda sa mga awtoridad na tataya dapat siya sa sabong, pero hindi magkakatugma ang ilang bahagi ng kanyang kwento.

Sa pamamagitan ng nakuhang lisensya at senior citizen ID, na-contact ng mga opisyal ang isang anak ng matanda sa Pasig.

Hindi niya nakilala ang anak nang iharap ito sa kanya.

Pero may dinalang patunay ang anak na mag-ama sila kaya itinurn-over sa kanya ng mga pulis ang matanda.

Nakiusap ang pamilya na huwag ilabas ang pagkakakilanlan ng lolo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.