Paglipat kay Taguba sa Camp Crame, hindi natuloy | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paglipat kay Taguba sa Camp Crame, hindi natuloy

Paglipat kay Taguba sa Camp Crame, hindi natuloy

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 27, 2018 09:37 PM PHT

Clipboard

Hindi natuloy ang paglilipat sa custodial center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame sa customs fixer na si Mark Taguba.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), hindi tinanggap ng custodial center si Taguba dahil sa umano'y isang memorandum circular ng PNP.

Hindi pa klaro sa ngayon kung ano ang nilalaman ng nasabing circular at kung ano ang basehan ng custodial center para tanggihan si Taguba.

Dahil dito, napilitan ang NBI na ibalik na lang muna si Taguba sa kanilang detention facility sa NBI headquarters sa Maynila.

ADVERTISEMENT

Nauna nang iniutos ng Manila Regional Trial Court RTC Branch 46 ang paglilipat kay Taguba sa PNP Custodial Center matapos nitong paboran ang apela ni Taguba na huwag siyang mailipat sa Manila City Jail dahil sa umano'y banta sa kaniyang buhay.

Si Taguba ang isa sa mga suspek sa pagpasok sa bansa ng P6.4 bilyon na halaga ng shabu mula sa China.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.