Dinky Soliman at ilang taga-suporta, bumisita kay De Lima sa Senado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dinky Soliman at ilang taga-suporta, bumisita kay De Lima sa Senado

Ernie Manio,
ABS-CBN News
Published Feb 24, 2017 04:23 AM PHT

Dumating sa Senado ang ilan sa mga kapartido sa Liberal Party at mga taga-suporta ni Senador Leila de Lima Huwebes ng gabi.

Ilan sa mga bumisita sa senadora ay sina dating Department of Social Welfare and Development (DWSD) Secretary Dinky Soliman at singer na si Leah Navarro.

Ayon kay Soliman, maayos ang lagay ng senadora. Hindi rin aniya sila naniniwala sa mga ipinaparatang laban dito.

“Sabi ko sa kanya, hindi kami naniniwala. Hindi ka tumanggap ng pera sa drug lords. Ikaw nga ang lumalaban sa masasamang loob, rapist, killer, drug pushers, kidnapper,” ani Soliman.

Paniwala din nila, ginagamitan lamang sila ng kapangyarihan ng mga nakabangga ng senadora.

“Maliwanag naman na ito ay paghihiganti at pagpapakita ng kapangyarihan ng mga nakakataas,” dagdag ni Soliman.

Sa labas naman ng Senado, nakaabang ang mga kontra kay De Lima sa pangunguna ng whistleblower na si Sandra Cam. Mabigat ang mga salitang binitwan ni Cam laban kay De Lima.

“Andito ako para makita siyang arestuhin ng CIDG,” ani Cam. “Sana dalhin ka na kaagad sa city jail para maramdaman mo ang iyong ginawa noong ikaw ay secretary of justice. Ngayon, sasabihin mo, respetuhin ka? Kailangan ka pa bang respetuhin? Isa kang sex maniac! Isa kang exhibitionist na senador. Ang drugs naglipana dahil sa ‘yo noong kapanahunan mo,” ani Cam.

Bagama’t dilaw ang kulay ng partidong kinabibilangan ni De Lima, ito ang isinuot ng kanyang mga detractors na may nakasulat pang “Karma De Lima.”

Hindi rin daw pabor ang grupo sa ginawang pakikiusap ni Senate President Koko Pimentel sa CIDG na ipagpabukas na ang pag-aresto.

Magkagayunman, napagdesisyunan na 10 a.m. ngayong Biyernes na lalabas si De Lima at kusang susuko para harapin ang mga ibinibintang sa kanya.