Bong Go, magbibitiw kung mapatunayang may kinalaman sa frigate deal | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bong Go, magbibitiw kung mapatunayang may kinalaman sa frigate deal

Bong Go, magbibitiw kung mapatunayang may kinalaman sa frigate deal

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 03, 2019 01:12 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nanindigan si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na wala siyang kinalaman sa P15.7 bilyong frigate acquisition project o pagbili ng barkong pandigma ng Philippine Navy.

Sa pagharap ni Go sa pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersiya, sinabi niyang handa siyang magbitiw sa puwesto kung mapatutunayang nakialam siya sa desisyon ng Navy.

"Kung mayroon ba akong tinawagan, tinanong o nag-influence man lang ba ako para ibaligtad -- 'pag may nakapagturo, paglabas ko rito I will resign," sabi ni Go.

Tinawag din niyang "fake news" ang ulat na umano'y inendorso niya ang Hyundai Heavy Industries Co. Ltd., isang kompanyang Korean, para sa kontratang maglalagay ng combat management systems (CMS) sa mga barkong may kapasidad na maglunsad ng missile.

ADVERTISEMENT

"I am ready and willing to face all these accusations in a public hearing," ani Go.

"Gaya po ng sinabi ng pangulo, 'pag ginamit ang pangalan niya, pangalan ng anak niya, kamag-anak, kahit kami kapag ginamit ang pangalan, consider it denied."

Dumepensa rin siya sa ulat na siya mismo ang nag-endorso kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa frigate project.

"We are being castigated for endorsing a complaint to the proper agency. A mere routinary endorsement which is one of the thousands of complaints we endorse," ani Go.

Sa isang punto naman ng pagdinig, sinabi ni Sen. Loren Legarda na tila inaaksaya lang nila ang oras ni Go dahil malinaw aniyang walang kinalaman ang assistant ni Duterte sa kontrobersiya.

ADVERTISEMENT

"With all due respect, I think we're wasting the time of Secretary Bong Go sitting here because it is very clear, wala naman s'yang kinalaman dito. I'm not prejudging it," sabi ni Legarda.

Nagmistulang artista naman si Go sa pagdinig dahil sa ilang beses siyang pinalakpakan ng mga tagasuportang dumalo rin sa session hall ng Senado.

Bukod pa iyan sa mga tagasuportang nagtipon sa labas ng Senado.

NAGSIMULA NOONG 2013

Iginiit ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin na masusi nilang pinag-aralan ang frigate project mula pa noong Disyembre 2013 bago ipinasa sa Duterte administration noong Disyembre 2017.

"I did not issue any approval for awarding of the projects and other consequent steps during the transition period," ani Gazmin.

ADVERTISEMENT

(Wala akong inaprubahang anumang paggawad ng kontrata sa proyekto noong isinasalin na namin ang liderato sa sumunod na administrasyon.)

Aniya, hindi niya na inaprubahan ang anumang kontrata para rito dahil gusto niyang umiwas sa isyu ng "midnight deals" o mga kasunduang pinaspasan sa pagpapalit ng liderato.

Kaya ipinaubaya na ni Gazmin sa kahaliling si Lorenzana ang proyekto.

Ibinunyag kasi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa pagdinig na ang nakakuha sa kontrata na Hyundai Heavy Industries ay pinagbawalang mag-bid sa South Korea dahil sa mga alegasyon ng panunuhol.

Pero iginiit ni Lorenzana na hindi alam ng administrasyong Duterte ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT

Sabi rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., ang dapat na managot dito ay ang mga opisyal ng nakaraang Aquino administration.

Paliwanag naman ng kinatawan ng Hyundai, walang batas sa Korea na nag-uutos na dapat sabihin sa kliyente kung may kaso sila kaya di nila ito ipinaalam sa gobyerno ng Pilipinas.

Sa kabila nito, sinabi ni Lorenzana na tuloy ang kontrata sa Hyundai na inaasahang magde-deliver ng unang frigate sa Pilipinas sa 2020.

ISYU SA CMS

Nagkaharap din sa pagdinig hearing sina Lorenzana at dating Navy chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.

Muli silang nagkontrahan sa isyu ng CMS.

ADVERTISEMENT

Giit ni Mercado, tinutulan nya ang alok na CMS ng Hyundai dahil 2019 pa magiging available ang tekonolohiya mula sa kumpanya .

Sabi niya, ang akmang teknolohiya ay ang Tacticos Thales ng The Netherlands.

"Our exchanges with the Department of National Defense... just provided information to the secretary to making aware that there are violations in the contract... Kawawa naman sila po, they will be held legally liable," ani Mercado.

"We will still implement the project... it is being implemented but it has been delayed for three months already," giit ni Lorenzana.

Ibabase ng Senate committee on national defense sa mga isusumiteng dokumento ng mga opisyal ng Department of National Defense kung gagawa na sila ng rekomendasyon tungkol sa isyu.

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.