Sunog sa Valenzuela naapula na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sa Valenzuela naapula na

Sunog sa Valenzuela naapula na

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

Naapula na bandang 7 a.m. ang sunog sa isang pabrika sa Marcelo Street, Brgy. Maysan, Valenzuela City.

Ayon sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection sa siyudad, ang pabrika ay isang pagawaan ng trophy, mga parte ng kabaong at iba pang gawa sa plastic.

Sa laki ng sunog, na umabot sa ikaapat na alarma, nadamay ang bubong ng kalapit nitong establisimyento.

Walang namang naitalang nasaktan sa insidente dahil walang tao sa pabrika nang sumiklab ang sunog bandang 5 a. m. Tinatayang nasa P2 milyong piso ang halaga ng pinsalang dulot nito.

ADVERTISEMENT

Lalaki patay sa pamamaril sa Malabon

Samantala, patay ang isang trabahador ng fish port matapos pagbabarilin sa C4 Road, Brgy. Longos, Malabon City.

Kinilala ng Malabon Police ang biktima na si Arvin Osman, 24. Dead on the spot si Osman matapos tamaan ng bala sa ulo.

Batay naman sa salaysay ng isang tindero, 2 a.m. pa lamang ay may namataan na siyang dalawang lalaking nagmamanman sa biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.