'Wag condom, 'di masarap': Duterte, hinikayat ang mga Pinoy na gumamit ng pills

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 02:13 AM

MAYNILA - Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na gumamit ng libreng contraceptive pills mula sa gobyerno.

"May pills libre. 'Wag 'yang condom kasi hindi masarap 'yang condom. Hindi, totoo. Hindi ako nagpapatawa," sabi ng Pangulo nitong Martes sa isang talumpati kaugnay ng pagbabalik ng overseas Filipino workers mula Kuwait.

"Ako, I'm just telling you that is why... biology. Alam ko ayaw ninyo ng condom so either magpa-injection kayo good for six months. Bahala ka kung ano."

Iniugnay ni Duterte ang paghihirap ng bansa dahil sa lumulobong populasyon na mahigit 100 milyon na.

"Aging because they do not want to add to their population. Eh ang Pilipino, walang alam 'yan basta—110 million kaya mahirap ang buhay," aniya.

"Kasi kung sana na medyo 50 million lang tayo, ma-manage natin 'yung pagkain. Enough for all, tapos may trabaho. Kasi kung 50 million lang… Pero kaya naman alam ko. Sumunod na lang. Hindi ako nagpapatawa, sumunod na lang kayo sa programa ng gobyerno," dagdag niya.

Nagpamahagi muli ng contraceptives ang Department of Health matapos i-certify ng Food and Drugs Administration na non-abortifacient or hindi pampalaglag ng sanggol ang 51 na contraceptive.

Ito'y matapos maghain ng temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa mga abortifacient na contraceptives noong 2015.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.