Bilang ng MRT train na tumakbo nitong Huwebes, bumagsak sa 6 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bilang ng MRT train na tumakbo nitong Huwebes, bumagsak sa 6

Bilang ng MRT train na tumakbo nitong Huwebes, bumagsak sa 6

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 18, 2018 03:42 PM PHT

Clipboard

Humaba ang pila sa mga istasyon ng MRT-3 matapos bumagsak sa anim ang bilang ng tren na tumatakbo sa linya nitong Huwebes ng hapon.

Tatlong beses kasing nagtanggal ng tren sa linya dahil sa aberya.

Kaya kahit hindi rush hour, umabot pa rin sa halos dalawang oras ang paghihintay ng mga pasahero para lang makasakay sa MRT, bandang alas-2 ng hapon.

"Kanina pa akong mag-a-ala-una eh... Magbu-bus na lang ako," anang pasaherong si Mariano Oreio.

ADVERTISEMENT

"Nagulat nga kami kasi ang haba. Eh instead na makarating kami ng tama, hindi na kami makarating nang tama, minsan wala na 'yong kliyente namin," sabi naman ng pasaherong si Armeldin Pelima.

Humingi ng pasensiya ang pamunuan ng MRT, lalo at nagsimula na umanong dumating ang biniling mga piyesa para sa mga bagon.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, ibubunyag sa susunod na pagdinig ng Senado ukol sa MRT ang mga personalidad na umano ay responsable sa estado ng riles ngayon.

"Alam ko napakainit na ng ulo natin pero sa aming pagdinig ilalabas na namin talaga 'yong may kasalanan nito kaya tayo nagkaabot-abot dito," sabi ni Poe.

"Gustuhin man natin madaliin ito, nagbunga ito dahil sa kapabayaan at pagiging kurakot diumano ng hindi nag-order nitong mga parts na kailangan natin," aniya.

Kamakailan ay bumaba sa walo ang average na bilang ng tren na tumatakbo sa MRT, malayo sa maximum capacity na 20 tren.

Nasa kalahating milyong pasahero kada araw ang pinagsisilbihan ng MRT, na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA at sumasagi sa mga lungsod ng Quezon City, Mandaluyong, San Juan, Makati, at Pasay.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.