Tulay sa Agusan del Norte, bumigay dahil sa rumagasang tubig | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tulay sa Agusan del Norte, bumigay dahil sa rumagasang tubig

ABS-CBN News
Published Feb 13, 2018 08:27 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2018 09:31 AM PHT

Bumigay ang isang parte ng Puyo Bridge sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte, Martes ng umaga.

Humina ang pundasyon ng tulay at bumagsak ang isang lane matapos tangayin ng rumaragasang tubig sa Puyo River ang lupa sa tabi nito.

Pinalikas na ang mga residente malapit sa ilog habang isinara naman ang tulay sa lahat ng mga sasakyang dadaan.

Kasalukuyang nananalasa ang bagyong "Basyang" sa Surigao at nasa ilalim ng signal no. 1 ang Agusan del Norte.

ADVERTISEMENT
Mahalaga ang bumigay na tulay dahil ito ang nagdudugtong sa Surigao City at Butuan City.

Humaba naman ang pila ng sasakyan sa national highway sa Barangay Bangonay dahil motorsiklo na lang umano ang pinapayagan na makatawid sa tulay.

--Ulat ni Rodge Cultura, ABS-CBN News
--Ulat ni Rodge Cultura, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT