Grab driver nagsauli ng gamit, binugbog ng pasahero | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grab driver nagsauli ng gamit, binugbog ng pasahero

Grab driver nagsauli ng gamit, binugbog ng pasahero

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 15, 2019 03:52 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - (UPDATE) Sa halip na pasasalamat, gulpi umano ang inabot ng isang Grab driver sa kaniyang pasahero matapos ibalik ang naiwang cellphone nito.

Sa panayam ng DZMM ngayong Lunes, ikinuwento ng drayber na si Armando Yabut na naki-charge ng iPhone ang pasahero habang inihahatid niya ito sa Kamuning mula Makati nitong madaling-araw ng Pebrero 9.

Nakauwi na umano si Yabut sa Taytay, Rizal nang mapansing naiwang naka-charge ang cellphone. Maya-maya pa, tumawag umano ang pasaherong si Jinno Simon at nakiusap na ibalik ng driver ang kaniyang gamit.

"Mabait po sila sa akin noong tumatawag sila. Along the way po, ang ganda ng usap namin, nagpapasalamat, nagpo-'po' sila," sabi ni Yabut.

ADVERTISEMENT

"Pagdating ko po doon, nag-iba po ang ihip ng hangin."

Pinagbintangan umano siya ni Simon na ninakaw niya ang cellphone saka siya sinakal, hinila at sinuntok.

"Ang hindi ko po makalimutan iyung sinakal po ako. Kaunting-kaunti na lang malalagutan na ako ng hininga, saka ako pinakawalan," himutok ni Yabut.

Dagdag ng biktimang 2 taon nang nagmamaneho sa Grab, "Marami na po akong naisauli, ngayon lang talaga ako naka-encounter ng may masamang tao pa pala talaga."

PANIG NG PASAHERO

Iginiit naman ni Simon na pinag-interesan umano ni Yabut ang kaniyang telepono kaya niya ito nasaktan.

ADVERTISEMENT

Gamit ang cellphone ng nobya, makailang ulit umano niyang tinawagan ang sariling telepono pati na ang sa driver, pero hindi umano ito sinagot ni Yabut. Kalaunan, pinatay umano ng driver ang 2 telepono.

"Ang sama po ng pakiramdam ko kasi pinatayan niya ako ng cellphone, iyung cellphone ko at cellphone niya pinatay so pakiramdam ko ayaw niyang ibalik," ani Simon sa panayam ng DZMM.

Na-contact lang umano niya ang driver nang makipag-ugnayan sa customer service ng Grab.

Hindi umano niya napigilan ang galit nang magkita ulit si Yabut kaya nasampal umano niya ito.

"Inaamin ko pong mali ang pananakit ko sa kanya. Nag-usap po kami. Humingi po ako agad ng pasensya," sabi niya.

"Wala na po akong magagawa doon. Hindi ko na po mababago iyun. Kasi nadala na rin po ako ng emosyon ko e."

Nagsumite na si Yabut ng resulta ng kanyang medico-legal sa Grab. Kinasuhan din niya ang pasahero ngayong Lunes.

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ni Leo Gonzales, tagapagsalita ng Grab, na maaaring hindi agad masagot ng mga driver ang pasahero dahil nagmamaneho ito.

Rerepasuhin aniya ng Grab ang kanilang polisiya sa pagbabalik ng mga naiwang gamit upang hindi na maulit ang insidente sa pagitan ni Yabut at Simon.

Handa rin aniya ang kumpanya na alalayan si Yabut.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.