Belo clinic, 'di rehistrado ang ilang produkto,' sinalakay ng FDA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Belo clinic, 'di rehistrado ang ilang produkto,' sinalakay ng FDA

ABS-CBN News
Published Feb 09, 2018 09:13 PM PHT
|
Updated Sep 04, 2018 09:09 PM PHT

Ipinapatigil ng Food and Drug Administration (FDA) sa Belo Medical Group ang pagbebenta ng ilang produktong napag-alamang hindi pala rehistrado at hindi pa nasertipikahang ligtas para gamitin ng publiko.

Ito'y matapos ang test-buy operation na isinagawa ng FDA sa Belo Medical Clinic sa Alabang, Muntinlupa nitong Biyernes ng umaga.

Pagkabayad sa cashier at pagkakuha sa pharmacy ng mga gamot na umabot sa P22,000, hudyat na ito para salakayin ng FDA ang naturang branch.

"From Food and Drug Administration po kami, may violation po kayo, Section 11 of Republic Act 9711, for offering and selling misbranded cosmetic products," ayon sa isang operatiba.

Sa pahayag ng Belo Medical Group, sinabi nilang nabigla sila sa inspeksyon ng mga awtoridad sa kanilang clinic.

"We have always ensured registration and renewal of registration of all our products. Hence, the inspection by FDA of one of our clinics is surprising and unfortunate," ani John Eric Ho, corporate communications head ng Belo Medical Group.

Ayon sa FDA, nakabili sila ng 11 gamot at cosmetics sa Belo, at base sa sertipikasyon ng kanilang Center for Drugs, Research and Regulation, ang mga produkto ay hindi rehistrado.

"Hindi dumaan sa registration process ng FDA...Kasi ginagawa nila nag-i-injection pa sila eh. So itong mga product na ito ay may kautusan ang aming director general na i-seize ito dahil meron kaming proof of evidence," ani Allen Bantolo, hepe ng FDA-Regulatory Enforcement Unit.

Ayon sa FDA, bago ibenta sa merkado ang anumang pagkain, cosmetics, at gamot ay kailangan munang dumaan sa kanila para masigurong ligtas gamitin at kainin ng publiko.

Tumanggi rin umano ang Belo na magpa-inspeksiyon ng klinika at pharmacy kung kaya't sila'y mahaharap pa sa ibang kaso.

"Even nga 'yung kanilang pharmacy na under jurisdiction ng aming FDA when in fact nasa batas din 'yon na they are supposed to allow inspectors for inspection...Puwede silang ma-contempt or obstruction of justice," giit ni Bantolo.

Nanindigan naman ang Belo Medical Group na wala silang nilabag na regulasyon ng FDA at patutunayan nila ito sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga kaukulang dokumento.

"We assure our customers and the public of the safety of our products and our compliance with regulatory standards. We are submitting to FDA proof that we have been compliant with their regulations," dagdag nito.

--Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
Belo Medical Group
Belo
Vicki Belo
FDA
Food and Drug Administration
Regulatory Enforcement Unit
gamot
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT