Pagkuha ng SC expert na P250,000 kada buwan ang sahod, binusisi | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkuha ng SC expert na P250,000 kada buwan ang sahod, binusisi

Pagkuha ng SC expert na P250,000 kada buwan ang sahod, binusisi

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 09, 2019 04:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inungkat ang umano'y maanomalyang pagkuha ng Supreme Court (SC) sa serbisyo ng isang ICT consultant sa paggulong ng pagdinig ng Kamara sa reklamong impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kasi sa acting chief ng SC Management Information Systems Office (MISO), hindi naman kailangan ng Korte na magkaroon ng ICT consultant na tumatanggap ng P250,000 kada buwan, mas malaki pa sa umano'y kinikita ng isang mahistrado ng korte.

Giit ni Atty. Carlos Garay, kasalukuyang namumuno sa SC MISO, hindi naman napaigting ang IT system ng hudikatura nang pumasok ang ICT consultant na si Helen Macasaet.

Sabi ni Garay, siya mismo'y tumatanggap lang ng P30,000 noong IT consultant pa lamang siya ng SC noong 2015 bago maging kasapi ng MISO.

ADVERTISEMENT

Kaya naman idinulog ni Garay kina Sereno at Atty. Michael Ocampo ng Office of the Chief Justice ang isyu ng napakalaking sahod ni Macasaet, pero hindi umano ito pinansin.

"I repeatedly protested personally to Atty. Mike and CJ why there’s a continuing need for a consultant. I tendered my resignation last year because that was a red flag for me as a lawyer. But I was prevailed upon to continue,” ani Garay.

(Iginiit ko kina Sereno at Ocampo na hindi na kailangan ng consultant. Nagbitiw din ako noong nakaraang taon dahil bilang abogado, may nakikita akong paglabag. Pero napakiusapan akong magpatuloy sa puwesto.)

Dinepensahan naman ni Ocampo, kalihim ng SC computerization committee, ang pagkuha kay Macasaet.

Aniya, mayroong 20 taong karanasan sa industriya si Macasaet na responsable rin sa pagsasaayos ng ICT system ng Government Service Insurance System (GSIS) nang pumalya ang database nito na itinuturing na pinakamalalang ICT disaster sa bansa.

“No one in the Supreme Court has handled nationwide computerization program,” ani Ocampo. “Macasaet computerized UCPB and GSIS. That’s the kind of expertise SC needed at that time.”

Bahagi rin ng masterplan ni Macasaet ang pag-automate sa 2,700 korte sa buong bansa.

ADVERTISEMENT

BAYAD KAY MACASAET

Sa kaniyang kauna-unahang pagharap naman sa House justice committee, sinabi ni Macasaet na binayaran siya noon ng GSIS ng P925,000 kada buwan mula Nobyembre 2008 hanggang Hunyo 2010.

Bago rin siya maging consultant ng SC, tumatanggap siya ng P3 milyong taunang sahod bilang presidente at CEO ng isang IT company, bukod pa sa allowances para sa transportasyon at iba pang gastusin.

Kaya kung tutuusin, mas mababa pa ang kaniyang nakukuha bilang consultant sa SC.

“I figured I can make a decent living with P250,000. I have to be able to support my work. Ang matitira sa akin, P80,000, OK na 'yon,” ani Macasaet.

Sa isang pahayag, sinabi rin ng kampo ni Sereno na ang karaniwang rates ng IT consultants sa pribadong sektor ay P800,000 kada buwan.

Aminado naman ang chief of staff ni Sereno na si Atty. Maria Lourdes Oliveros na kaibigan niya si Macasaet.

ADVERTISEMENT

ITR NI SERENO

Isinumite naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang income tax returns (ITR) ni Sereno mula taong 2004 hanggang 2009 para sa panahong propesor siya sa UP at abogado siya ng gobyerno sa kaso sa Piatco.

Maaari kasing ibangga ang ITR sa statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) ni Sereno para malaman kung nagbayad siya ng tamang buwis para sa mga nabanggit na taon.

Isa pa kasi sa alegasyon laban kay Sereno ay ang hindi umano nito pagdeklara ng P37 milyong kinita sa Piatco case.

Mayroon din umanong pag-aari ang asawa ni Sereno na wala sa kaniyang SALN.

Nanindigan naman ang kampo ni Sereno na "walang hokus pokus" sa mga binayarang buwis ng punong mahistrado.

ADVERTISEMENT

"During the years CJ Sereno filed her income tax returns with the BIR, there was no deficiency assessment notice from the BIR nor any question surrounding her ITR filings. This only means one thing: All her income tax filings when she was a private lawyer were accurate and proper. Tama, sakto at walang hokus-pokus," pahayag ng tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Josa Deinla.

Nais ng liderato na matapos sa House committee ang impeachment complaint hearing ngayong buwan para mapagbotohan ito bago mag-adjourn ang sesyon sa Marso.

-- Ulat nina Mike Navallo at RG Cruz, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.