2 criminology students nang-snatch umano ng cellphone | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 criminology students nang-snatch umano ng cellphone

2 criminology students nang-snatch umano ng cellphone

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 27, 2018 07:44 PM PHT

Clipboard

Arestado ang 2 estudyante ng criminology matapos umanong magnakaw ng cellphone ng isang dalagita sa Sampaloc, Maynila Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerickson Sajun at Elmer Caspe. Sila ay nag-aaral ng criminology sa Maynila.

Kuwento ng biktimang si alyas Jenny, 15-anyos, bigla nalang inagaw ng mga suspek ang kanyang cellphone.

"Naka-motorsiklo sila. Inagaw nila. Bigla na lang tumakbo. Di ko na nahabol," aniya.

ADVERTISEMENT

Nakuha pa sa CCTV ang pagtakas ng mga suspek.

Agad nagsumbong si Jenny sa mga pulis at natunton ang mga suspek pagkatapos.

Depensa naman ni Sajun, ipangtutustos sana ng kanyang tuition at gagamitin din sa pampapagamot ng may sakit na anak ang kikitain sa ninakaw.

Pinabulaanan naman ito ng kanyang kasamahan na si Caspe.

"Hindi po namin pinag-usapan. Nagulat na lang ako hinablot niya. Papunta sana kaming Recto nun," aniya.

ADVERTISEMENT

Dismayado naman ang mga pulis sa ginawa ng dalawa.

"Nakakalungkot kasi ginawa nila 'yun. 'Di na sila magtatagumpay kasi lumabas na ugali nila. Malaki epekto nun kung nakapasok sila sa kapulisan," ayon kay Chief Insp. Marlon Mallorca ng Manila Police District Station 3.

"Sana mapatawad ako. Tao lang nagkakamali," dagdag naman ni Sajun.

Mahaharap ang dalawa sa kasong robbery.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.