Tour sa Puerto Princesa Underground River, kanselado | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tour sa Puerto Princesa Underground River, kanselado

Tour sa Puerto Princesa Underground River, kanselado

Cherry Ann Camacho,

ABS-CBN News

Clipboard

Tinatayang nasa 3,800 na turista ang apektado matapos na kanselasyon ng mga tour sa Puerto Princesa Underground River dahil sa lakas ng hanging at alon. Cherry Ann Camacho, ABS-CBN News

PUERTO PRINCESA CITY - Limang araw nang kanselado ang tour sa Puerto Princesa Subterranean River National Park o mas kilala bilang Underground River.

Ayon sa pamunuan ng Puerto Princesa Underground River (PPUR), kinailangang ikansela ang tour sa kuweba dahil sa lakas ng hangin at alon sa Sabang.

"Kailangan na i-cancel para na rin sa kaligtasan ng mga bisita natin. Hirap ang mga bangka sa wharf kaya delikado talagang bumiyahe sa dagat ngayon," ayon kay Park Superintendent Beth Maclang.

Nakipag-ugnayan na rin ang PPUR management sa mga travel and tour operator at tour guide kaugnay sa pansamantalang kanselasyon ng tour.

ADVERTISEMENT

Maaari namang subukan ang iba pang pasyalan sa Sabang gaya ng Sabang Falls, jungle trail at mangrove paddle boat.

Sa tala ng PPUR, mula Biyernes hanggang ngayong araw ay nasa 3,800 turista na ang naapektuhan ng kanselasyon ng tour.

Sa ngayon ay nakataas ang gale warning sa Palawan na nakaka-apekto sa Underground River.

Ipinagiingat naman ang mga maliliit na bangka dahil sa posibleng malalakas na alon at hangin.

Hihintayin naman ng PPUR management ang abiso mula sa Philippine Coast Guard kung maaari nang muling mag-tour sa kuweba.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.