Ozamiz mayor at vice mayor, ipinaaaresto ng Sandigan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ozamiz mayor at vice mayor, ipinaaaresto ng Sandigan

Ozamiz mayor at vice mayor, ipinaaaresto ng Sandigan

Carolyn Bonquin,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Ipinaaresto na ng Sandiganbayan si Ozamiz, Misamis Occidental Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at kanyang anak na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez kaugnay ng kasong graft.

Ito'y matapos ibasura ng Sandiganabayan 5th Division ang hiling ng mag-ama na ibasura ang kasong isinampa sa kanila noong 2016 dahil sa umano'y maanomalyang kontrata sa pagpapagawa ng isang public gymnasium.

Sinasabing iginawad ang kontrata para sa renovation ng Ramiro Gymnasium sa Parojinog and Sons Contruction Company na pag-aari umano ng pamilya ng alkalda at bise-alkalde.

Ayon sa Sandiganbayan, may sapat na ebidensyang ipinasa ang state prosecutors para litisin ang kaso.

ADVERTISEMENT

Kinukuha pa ng ABS-CBN News ang pahayag ng mag-ama.

Matatandaang si Mayor Parojinog ay kabilang sa mga lokal na opisyal na idinawit ni Pangulog Duterte sa kalakalan ng iligal na droga.

Inamin din ng alkalde ang relasyon ng kanyang anak kay Herbert Colanggo, high-profile inmate ng New Bilibid Prison.

Pero itinaggi ng nakatatandang Parojinog na may kaugnayan siya at ang bise-alkalda sa bawal na gamot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.