'Libreng sakay' ikakasa sa Lunes habang tigil-pasada ang mga jeepney | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Libreng sakay' ikakasa sa Lunes habang tigil-pasada ang mga jeepney

'Libreng sakay' ikakasa sa Lunes habang tigil-pasada ang mga jeepney

ABS-CBN News

Clipboard

Bilang paghahanda sa inaasahang strike ng mga jeepney operator sa Lunes ay makakasakay ng libre ang mga pasahero sa ilang sasakyang pagmamay-ari ng pamahalaan.

Libre ang pasahe sa mga bus na pagmamay-ari ng gobyerno, at sa mga 6x6 na trak na papasada habang naka-strike ang mga pampasaherong jeep, sabi ng Joint Quick Response Team (JQRT) ng pamahalaan.

Sa mga pribadong bus naman ay kailangan pa ring magbayad ng mga pasahero para makasakay.

Ayon sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), aabot sa 4,800 na sundalo, pulis, at mga di-unipormadong opisyal o empleyado ng DOTr, LTFRB, Coast Guard, Metro Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, at Office of Transportation Security ang mamamahala sa trapiko sa araw na iyon.

ADVERTISEMENT

Magsasagawa ng malawakang tigil-pasada ang mga kooperatiba ng tsuper at operator ng jeep sa Lunes bilang pagtutol sa plano ng pamahalaan na tanggalin o i-phaseout ang mga lumang jeep sa kalye.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.