Warehouse ng online gadget store, ni-raid sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Warehouse ng online gadget store, ni-raid sa Maynila

Warehouse ng online gadget store, ni-raid sa Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

Milyun-milyong halaga ng umano’y smuggled na smartphones, laptops at high-end communications at electronic gadgets and nasabat ng Bureau of Customs sa raid na isinagawa sa isang warehouse sa Lakandula Street sa Tondo, Maynila.

Ang raid ay isinagawa matapos makatanggap ang Bureau of Customs ng intelligence report na isang online shop ang nagbebenta ng high-end communications at electronic gadgets na kaduda- duda ang paraan ng pag-i-import.

Kabilang sa nasabat ay kahon-kahong iPhone 7, MacBook, Samsung Galaxy at mga tablets, cameras, music players at audio accessories.

Napag-alaman na ang Kimstore ay pagmamayari ng isang Filipino Chinese na taga Binondo na nasa negosyo ng online selling pero umano’y mga smuggled items and ibinebenta.

ADVERTISEMENT

Tanging mga tauhan lang ang naabutan sa na-raid na warehouse na walang maipakitang import documents.

Ikinandado muna ang nasabing warehouse habang patuloy ang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.