Kondisyon ng sanggol na sobrang balbon, ipinaliwanag ng espesyalista | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kondisyon ng sanggol na sobrang balbon, ipinaliwanag ng espesyalista

Kondisyon ng sanggol na sobrang balbon, ipinaliwanag ng espesyalista

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 30, 2018 09:25 PM PHT

Clipboard

Ipinaliwanag ng isang espesyalista ang pagiging sobrang balbon ng isang sanggol sa Maasim, Sarangani.

Halos matakpan kasi ng buhok ang mukha ng walong buwang gulang na si "baby Trina," hindi niya tunay na pangalan.

Malago rin ang tubo ng buhok sa kaniyang mga paa, braso, at likuran.

Ipinagtataka rin ng mga magulang ni baby Trina ang kondisyon ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ina ng sanggol, maaaring may kinalaman daw ito sa paglilihi noon ng ginang sa labong, isang klase ng gulay mula sa bamboo shoots.

Binigyang linaw naman ng isang dermatologist ang kondisyon ng bata.

Ayon kay Dr. Tess Ferrariz, mayroong hypertrichosis o "werewolf syndrome" si baby Trina.

Ito ang pagkakaroon ng sobra-sobrang buhok maging sa mga bahagi ng katawan na karaniwang hindi masyadong tinutubuan nito.

Dagdag ni Ferrariz, walang gamot sa kondisyon ng sanggol. Pero puwede aniyang sumailalim si baby Trina sa laser hair removal treatment para maalis ang sobrang buhok.

Sinabi rin ni Ferrariz na hindi dapat katakutan ang taong may "werewolf syndrome."

Sa ngayon, wala namang balak ang pamilya na baguhin ang kondisyon ni baby Trina dahil batang balbon man siya, biyaya ang turing sa kaniya ng buong pamilya.

-- Ulat ni Jay Dayupay, ABS-CBN News

EDITOR'S NOTE: Hindi pinangalanan ang bata sa ulat na ito para na rin mapangalagaan ang kaniyang pagdanas ng naiibang kondisyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.