Pagragasa ng lahar tulad noong 2006, pinangangambahan ng ilang residente | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagragasa ng lahar tulad noong 2006, pinangangambahan ng ilang residente

ABS-CBN News
Published Jan 28, 2018 08:11 PM PHT

Pinangangambahan ng ilang residente sa Albay ang pagragasa ng lahar na tulad noong 2006 kung kailan mahigit 1,000 ang naiulat na namatay o di na nahanap pa.

Kinumpirma kasi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nagkaroon na ng lahar flow nitong Sabado, Enero 27, sa ilang ilog malapit sa nag-aalborotong Bulkang Mayon.

Isa ang residenteng si Arlene Vilarama sa nakaranas ng pagragasa ng lahar noong 2006 sa kasagsagan ng bagyong "Reming."

Nanalasa noon ang lahar sa mga komunidad na malapit sa Mayon.

ADVERTISEMENT
"Na-trauma ako noon, halos siguro, pakiramdan ko nasiraan ako ng bait," ani Vilarama. "Talagang natatakot ako, kahit hindi itong Mayon, kapag sinabing may masamang panahon."

Ayon sa Phivolcs, karamihan sa mga naranasang pagragasa sa Albay kahapon ay tinatawag na "sediment-laden streamflow" o baha na may halong abo, buhangin, at maliliit na bato.

Pero bandang ala-una ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, rumagasa na ang lahar sa Miisi at Budjao channels, ayon sa Phivolcs.

"Ito ay lahar na malapot sa isang channel na dati wala masyadong tubig, in between Miisi and Anoling," paliwanag ni Phivolcs director Renato Solidum. "Kasi 'yong Miisi, sa amin, 'yon 'yong pinakamaraming pyroclastic density current o pyroclastic flow na deposito since the beginning of the eruption."

Wala naman naapektuhang mga barangay sa pagragasa ng lahar nitong Sabado.
Wala naman naapektuhang mga barangay sa pagragasa ng lahar nitong Sabado.
ADVERTISEMENT
Pero paalala ng Phivolcs, parehong delikado para sa mga residente ang lahar at ang sediment-laden streamflow kaya mas mainam na lumikas sa mas mataas na lugar ang mga residente tuwing mag-aabiso ang ahensiya.

Nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng flashfloods at landslide dahil patuloy na mararanasan sa Bicol region ang kalat-kalat na ulan at thunderstorm dahil sa umiiral na tail-end of a cold front.

Ito rin ang umiiral sa Calabarzon, Mimaropa, Eastern Visayas, pati na sa CARAGA Region.

Samantala, apat na beses muling nagbuga ng abo at lava ang Bulkang Mayon nitong araw ng Linggo.

LAGAY NG EVACUEES
Idinadaing naman ng evacuees sa Bicol ang pagkakasakit.
Idinadaing naman ng evacuees sa Bicol ang pagkakasakit.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Dr. Antonio Ludovice ng Albay Provincial Health Office, halos 1,500 evacuees na ang nagpakonsulta sa kanila dahil sa ubo, sipon at lagnat.

Binabantayan na rin ang mga kaso ng diarrhea na pumalo na sa 49.

Sapat naman daw ang mga gamot at medical supplies, pero agad na silang nag-emergency purchase para mapalitan ang nabawas na stock ng gamot.

-- May ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Weekend
TV Patrol Top
Jeff Canoy
balita
rehiyon
Mayon
Bantay Mayon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT