Maagang pagpaparehistro para sa darating na pasukan, umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2018 04:45 PM

ABS-CBN News

Umarangkada na ang early registration ng Department of Education (DepEd) para sa mga estudyanteng papasok sa paparating na school year (SY) 2018-2019.
    
Ayon sa DepEd, ang mga kailangang magparehistro ay mga estudyanteng papasok sa kindergarten, grade one, junior at senior high school.
    
Kasama rin ang transferees, out of school youth at children and youth with special needs sa mga maaaring lumahok sa maagang pagpaparehistro. 

ABS-CBN News


    Magtatagal hanggang Pebrero 28 ang early registration sa lahat ng mga pampublikong paaralan.
    
Sa mga magpaparehistro, dalhin lang ang kopya ng birth certificate para sa mga papasok ng kindergarten, at birth certificate at report card naman para sa mga papasok sa ibang antas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.