35 sugatan sa salpukang jeepney, tricycle sa Camarines Sur | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
35 sugatan sa salpukang jeepney, tricycle sa Camarines Sur

Rona Nuñez,
ABS-CBN News
Published Jan 26, 2018 07:10 PM PHT

Sugatan ang 35 katao matapos sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa isang tricycle sa Barangay Bolo Norte, bayan ng Sipocot, Camarines Sur nitong Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang jeepney sa kasunod na tricycle.

Nang makita ni Joey Toribio, driver ng jeep, na may makakasalubong siyang sasakyan, agad siyang bumalik sa kaniyang linya kaya nabundol ang tricycle.

Matapos nito, sumalpok pa ang jeep sa malaking puno ng acacia sa tabi ng kalsada.

ADVERTISEMENT
Nasa 27 ang sakay ng jeepney. Samantalang 7 naman ang lulan ng tricycle kabilang ang driver na si Jesus Mimay Sr.

Anim na menor de edad na estudyante ang sakay ng tricycle.

Ayon kay Mimay, ihahatid niya sana ang mga estudyante sa paaralan nang bigla na lang daw bumangga sa gilid na bahagi ng kaniyang sasakyan ang jeepney kaya sila tumilapon sa damuhan.

Giit naman ng jeepney driver, hindi niya natamaan ang tricycle. Nakalagpas na raw siya rito bago bumangga sa puno.

Pero ayon sa kaniyang pasahero na katabi niya lamang, nangangamoy alak si Toribio. Umamin namang uminom siya ng alak Huwebes ng gabi pero itinangging lasing siya habang nagmamaneho.

Panawagan ng mga nasugatang pasahero, tulungan sila ng driver at may-ari ng jeepney sa pagpapagamot.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang pwedeng harapin ni Toribio kung hindi papayag sa areglo ang mga nasugatan.